'I need someone to talk to'
(Kent’s POV)
Nandito ako ngayon sa kwarto nag kukulong. Actually hindi ako lumabas ng bahay buong araw. Tinatamad ako, wala ako sa mood. Lumalabas lang ako pag oras na ng pag kain at babalik din ulit sa kwarto. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang lungkot ko talaga.
Simula ng dumating ako dito sa bahay kagabi natulog nalang ako, hindi ko din alam kung bakit hindi ko magawang umiyak, pero gusto kong mag wala dahil sa galit, galit sa sarili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Gusto ko ng may makausap, gusto kong ilabas ang sama ng loob ko. Gusto ‘kong uminom at mag wala. Bigla naman pumasok sa isip ko yung sinabi ni Gab sakin ‘Kung gusto mo ng karamay at kainuman text mo lang ako haha’ .TAMA! kaingan ko talagang may ma kausap ngayon, kaylangan ko si Gab ngayon.
Ugh! Baka sigawan lang ako nun. Ang dami ko pa naman kasalanan sa kanya. Sigurado hindi lang sigaw at batok matatanggap ko. Makakatikim siguro ako ng super punch niya. Haaaay~ pero sabi niya naman diba? Kung gusto ko ng karamay at kainuman itetext ko nalang siya? Siya na din mismo nag sabi.
Tsk! Bakit ngaba siya agad pumasok sa isip ko. Madami naman akong mga tropa na pweding sumama sakin? Haaaay~ ewan ko ba. Tsk! Kinuha ko nalang yung Cellphone ko....
Hmmm. Siya ba talaga kaylangan ko ngayon? Haaay~ sabagay kailangan ko talaga ngayon ng isang malakas na suntok para matauhan ako, at alam kong si Gab lang ang makakatulong sakin. Tatawagan ko na sana si Gab kaso.....
Calling Cris....
Oh! Bakit naman tumawag ‘tong si cris? Sinagot ko nalang
*hello kent?*
*bakit?*
*anong bakit ka jan? gago ka. ‘bat hindi ka nag paparamdam? San ka?*
*nasa bahay.. hmmm. Tol alam mo ba kung nasan si Gab ngayon?*
*haha. Bakit na mimiss mo na?*
*gago hindi. Ano alam mo ba?*
*hindi eh! Nasa kanila siguro. Hindi ko sila nakita dito sa Grandville. Bakit?*
*ah wala. Samahan mo ‘ko tol. Yayain nating siyang uminom*
*si gab na pala ngayon hinahanap mo pag may problema ka? Hahaha himala!*
*ewan ko sayo. San kaba? Puntahan nalang kita, puntahan natin siya*
*haha. Sige sige.nandito kami sa tito’s. Isasama ko si nikki*
*ge*
Pag katapos ng pag uusap namin ni cris, nag bihis nalang ako, at umalis na ng bahay. 10:30 pm na pero gusto ko talagang uminom. Gusto ko ilabas yung nararamdaman ko. Hindi ko lang alam eh kung bakit si gab yung una kong na isip puntahan. Haay~ siguro kaylangan ko lang ng super punch ni gab ngayon.
Pinuntahan ko na si cris at nikki. Umalis na din kami at pumunta na sa apartment ni gab. Yayain ko nalang siyang uminom kahit saan. Kailangan ko lang talagang may makausap.
Dumating na kami sa labas ng apartment ni Gab. Hmmm~ parang tulog na ata sila. Parang walang ma ingay. Bakit hindi kaya sila lumabas? Himala ata.
“mukhang tulog na ‘tol” sabi ni cris at bumaba sa motor niya. Kasama namin si nikki ngayon.
“Oo nga kent, hindi mo ba tinext? Tanong naman ni nikki. Habang sumisilip pa sa loob.
“Hindi eh. Galit pa ata yun sakin” sagot ko naman. Sumisilip din ako sa loob. Pero parang may gising pa. nakabukas pa ata yung TV eh
![](https://img.wattpad.com/cover/8015602-288-k519474.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling in Love Unconsciously
Romance“She wasnt exactly sure when it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and now, she was falling hard and she could only pray that he was feeling the same way.” ― Nicholas Sparks, Safe Haven