This is dedicated to the Author(s) of the funiest story i've ever read (My Husband is a Mafia Boss) this still on going, kaya inaabangan ko po talaga ito. Sobrang ganda ng story, i love the humor and the plot. Sobrang nakaka excite, laging may kaabang abang. This story is highly recommended. Hinding hindi kayo mag sisisi. Stress reliever po ito, sobrang funny and exciting at the same time :)--
'when he gets jealous'
THIRD PERSON’S POV
Nakarating sina Gab, kent at Sammy sa sea side mga quarter to six. Yung mga kasama nilang sina Nikki, Cris at Sean nauna sa kanila ng halos 30 minutes.
“mabuti naman nakarating na kayo, akala namin hindi na kayo dadating eh” bungad sa kanila ni cris
“Sorry naman” sabi ni gab “eto kasing si Edward nag iinarte” dagdag niya at umupo sa tabi ni nikki na naka upo sa bench.
“tss. Ikaw kaya” sabi naman ni kent
“Oops! Tama na nga yan, kanina pa kayo ah. Nakakairita na kayong dalawa” sabat naman ni Sammy, mukhang nonstop kasi ang away nitong dalawa.
“Bakit lagi ba kayong nag aaway gab?” tanong naman ni Sean kay Gab, at tumabi ito sa kanya
Nairita naman si Kent sa pag tabi ni Sean kay Gab “Wala ka ng pakialam dun” bitter na sagot ni Kent sa pinsan niya
“Yan kasing pinsan mo ang sungit, daig pa ang nag me-menopause eh” sabi naman ni Gab at inirapan si Kent, nakatingin kasi sa kanya ng masama.
Tumawa naman si Sean “Oo nga eh, napapansin ko na din lately, mukhang galit siya lagi sayo”
“Abnormal kasi yan, Bipolar, Menopausal, Cranky at iba pa” humalakhak naman si Gab sa sinabi niya, pati mga kasama niya tumawa din.
Kent shoot his death glare, pero si Gab tumatawa pa din “Ikaw nga maarte, reaklamador, mai—“
“Mag aaway nalang ba kayo? Tara na nga guys, jogging na tayo” pagputol ni sammy kay kent “mabuti pa, para maiwasan ang away niyo mag hiwalay muna kayo” dagdag niya pa. Hinawakan niya ang kanang kamay ni Gab, at ang kaliwang kamay ni Sean at hinatak ito patayo “Tayong tatlo ang mag kasama, kayong tatlo naman dyan” sabi niya pa at kumindat kina cris at nikki
Tumawa naman silang tatlo, kung ano ano na naman kasi ang pumasok sa utak ni Sammy. Alam niya kasi kung bakit nag iinarte si Kent, kasi isinama nila si Sean, at alam niya na nag se-selos ito. Tanga lang gaya ni Gab ang hindi makakahalata, kaya nga pati ang mag syota halata ito kaya kanina pa sila tawa ng tawa.
“Oo nga! Mabuti pa yan girl, para makaiwas sa gulo” pag sangayon naman ni nikki at kumindat siya kay sammy
BINABASA MO ANG
Falling in Love Unconsciously
Romance“She wasnt exactly sure when it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and now, she was falling hard and she could only pray that he was feeling the same way.” ― Nicholas Sparks, Safe Haven