Chapter 13

559 15 1
                                    

'angry kent'

(Gab’s POV)

Nagulat nalang ako kasi natigil siya sa paghalik sakin at binitawan niya ako, pag mulat ko ng mga mata ko, naka upo sa siya sa sahig binubugbug ng lalaking nakatalikod, naka black jacket, hindi ko makita yung mukha niya nakatalikod siya saking hang binubugbug niya yung si Justin na manyak. Hindi ko alam yung gagawin ako, umiiyak lang ako ng umiyak, hindi ko alam kung pipigilan ko o tutlungan ko yung lalaking sumusuntok kay justin. Hindi ako makagalaw.

Binitawan nung lalaki si justin at lumapit sakin, nagulat ako. Si kent na sobrang galing na galit, ang samasama ng tingin niya sakin.

“k-ke—“ hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil kinaladkad na niya ako palabas ng bar. umiiyak padin ako, nakayuko nalang ako tinitignan kasi kami ng mga tao. Gaaahd. Ano ba ‘to? Ganito nalang ba talaga palagi pag nag ba-bar kami? Ako lagi ang center of attention eh, hindi attraction. Ugh! Dirediretso padin yung lakad ni kent, at sobrang higpit nung hawak niya wrist ko. Hindi ko ma kita kung nagagalit padin siya kasi nakatingin lang siya sa unahan. Nung lumabas na kami dumiretso kami sa may sasakyan niya tsaka niya ako binitawan, muntik na akong ma out of balance kasi ang lakas ng pag bitaw niya sakin.

Tinignan ko siya, galit na galit padin siya. Yung noo niya grabe yung kunot tinignan niya ako ng masama. Sobrang sama talaga, natakot naman ako sa kanya, ewan ko bakit naiiyak pa din ako

“MY GOD GABRIELLE! ANO BA YUNG GINAWA MO? KUNG HINDI KO KAYO NA KITA BAKA KUNG ANO NA ANG NAGYARI SAYO. HUWAG KANG UMIYAK DYAN, NAIIRITA AKO SAYO. SINABI KO NAMAN SAYO NA HUWAG KANG LUMAPIT DUN. PERO HINDI MO AKO PINAKINGGAN, UMALIS KANA NAMAN, KAYA NAPAHAMAK KA, ANG TIGAS TALAGA NG ULO MONG BABAE KA. KAYA HUWAG KANG UMIYAK DYAN. KAGUSTUHAN MO YA” sigaw niya sakin, tumingin yung mga tao samin. Nakakahiya. Pero wala akong pakialam sa kanila. Galit na galit talaga si kent sakin. Na iyak ako lalo. Ang tanga tanga ko talaga

“ASAN NA YUNG AMAZONANG GAB? HINDI AT UMUBRA EH. WALA KA NGANG GINAWA KANINA EH. UMIYAK KALANG” dagdag niya pa at bumuntong hinanga siya

“H-hindi ko n-naman g-ginusto yun e-eh, n-nabigla l-lang ako” sagot ko sa kanya habang umiiyak. Nanginginig pa boses ko, natatakot ako sa kanya eh

“NABIGLA? KAYA WALA KANG GINAWA? PANO KUNG WALA AKO? ANO NA RAPE KANA? ANO BA NAMAN KASI YAN YUNG SUOT MO, DAMIT PA BA YAN? KITA NA NGA YUNG BUONG LIKOD MO, HALOS LALABAS NA YUNG DIBDIB MO, AT ANG IKSI IKSI PA. DAMIT PA BA YAN? KAYA KA NAPAPAHAMAK SA DAMIT MO EH” sumisigaw padin siya, habang tnuturo yung damit ko. Hinubad niya yung jacket niya at sinuot sakin

“Sa susunod, pag ganyan padin yung suot mo, ako na mismo mag huhubad sayo. Hindi na damit yan eh. hindi damit ng matitinong babe yan” dagdag niya pagkatapos nyang ilagay yung jacket niya sa balikat ko. Hindi na siya nakasigaw pero kitang kita padin sa mukha niya yung galit

Hindi na ako nakasagot, iyak ng iyak nalang ako. Natatakot talaga ako ngayon kay kent promise. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak eh dahil ba kanina o dahil sa takot ko kay kent.

(Megan’s POV)

Nagulat kami ng may nag kakagulo na pala sa kabilang side nung bar, natigil naman yung music. Bwisit talaga oh. KJ naman. Palagi nalang may gulo. Napatingin naman ako sa mga kasama ko, nag ka tiniginan din kami na nakakunot yung noo namin. Hinanap naman ng paningin ko si Gab, kaninan kasayaw ko lang yun eh. wala siya, wala din si kent. Mag kasama sila siguro. Hindi naman yun pababayaan ni kent.

“Asan ba si Gab at kent?” pasigaw na tanong ni sammy na lumapit sakin, iniwan niya yung kasayaw niya kanina. Iniwan ko na si mr cute guy. Hahaha. wala ng music eh. badtrip.

Falling in Love UnconsciouslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon