'invited'
(Gab’s POV)
Haaay~ Hindi pa din ako maka get over dun sa mga nangyari last weekend. Muntik na talaga ako dun, pero sheeet! I can still remember the kiss, pero sabi nga ni kent diba? Wag ko na daw isipin na first kiss ko yun, kalimutan ko na daw yun. Eeehh~ seriously, kinilig ako dun. Swear! Pero na-uh, hanggang kilig lang yun, i know my boundaries and I won’t dare to step between the lines, ayoko na sa huli ako pa ang masaktan kasi hindi niya ako pipiliin.
Alam ko kung hanggang saan lang kami, pero I’m happy about that and I’m contented. Kaya sa mga readers dyan na umaasa na magiging kami sa huli, ASA kayo! Hahaha pero hindi mangyayari yun. Itaga nyo sa bato, pag nagging Happy ang ending itong storyang ito panigurado may book2 ito. Bwahahaha. De joke lang! Kidding aside, happy talaga kaming dalawa ni kent sa kalagayan namin ngayon, actually mas naging sobrang close pa kami, pero mas dumalas din pagbabangayan namin, hahaha pero that’s us. Hindi kami magiging kent at Gab kung walang bangayan na mangyayari.
Halos minuminuto nalang kami nag aaway, lahat nalang magkasalungat yung opinyon namin, pero kahit ganun, hindi naman kami mapaghiwalay. Hahaha. Weird right? But seriously, I’m more comfortable if we’re arguing, at sanay na kami sa ugali ng isa’t isa. Parang kilala na nga namin yung isa’t isa eh. Pero mag iisang buwan pa lang naman kami mag kakilala.
Lumipas na naman ang mga araw at Friday na naman ngayon, pero i think hindi kami later aalis, kasi uuwi kami bukas samin. Waaa~ it’s been a month na since I saw my family, panigurado na mimiss na nila ang magandang pagmumukha ko. Hahahaha
“Dali na kent, libre mo na kami” pangungulit ko kay kent, 30 minutes nalang before mag out kami.
“Ayoko nga, bakit ako lang ba may sweldo satin ngayon? Kayo din ah” reklamo niya, nag papalibre kasi kami sa kanya ni cris eh. Hahaha actually, first pay day namin ngayon, Eehh~ I’m so happy to the highest level, syempre naman nagbunga ang pinag paguran namin. Kaya nga uuwi ako samin eh, kasi i lilibre ko ‘to sa family ko.
“Sige na, hindi naman lahat sakin mapupunta ‘to eh. Eh ikaw, sayo lang naman mapupunta. Wala naman si Kate dito, wala ka paggagatusan. Hahaha” sabi ko. Tumango tango din si cris sa gilid ko, tumawa nalang kami.
“Hoy! Ayan kana naman Gab ha? Tigilan mo na ngayan, puro below the belt lang naman pambabara mo sakin eh. Dahil dun, hindi na kita i lilibre” sabi niya sabay talikod. Whaaaat? Ang arte nitong lalaking ‘to ah.
*Paak*“Alam mo, ang arte arte mo! Tigil tigilan mo na kakaarte mo dyan kent, nag papalibre lang kahit 100 lang ayaw mo” sabi ko sa kanya. Ang arte kasi eh! nag papapilit lang yan, alam ko na style niya. Gago talaga!
“Aray naman gab! Hindi mo talaga magagawang mag makaawa no? Kung hindi mo madadala sa santong dasalan, dinadaan mo sa santong paspasan.” Sabi niya sabay kamot sa ulo niya
“Hahaha. Yan kasi ‘tol. Ang arte mo, kaya ka palaging nababatukan eh. Hahaha. Ewan ko nalang sa inyo. Basta ako mag dedate kami ni nikki mamaya” sabi naman ni cris habang tumatawa samin
“Kilala mo naman ako kent, I don’t take ‘no’ as an answer. What I want is what I get” sabi ko sa kanya
“Tch! Ang spoiled mo talaga eh no? Hindi ka ma hindian eh!” sabi niya pa, nakakunot padin noo niya at humahaba nguso niya. Hahaha
“Haha. Alam mo naman pala eh! Kaya kung ako sayo, wag kanang kumontra pumayag kanalang” sabi ko at kumapit pa sa braso niya at nag beautiful eyes pa. hahaha.
BINABASA MO ANG
Falling in Love Unconsciously
Romance“She wasnt exactly sure when it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and now, she was falling hard and she could only pray that he was feeling the same way.” ― Nicholas Sparks, Safe Haven