This chapter is dedicated to my favorite author, hanggang ngayon hindi padin ako maka get over sa story niya na Mapapansin Kaya Yiieeee~ Love you Wade Sexy Rivas <3 <3 <3
Please vote Guys.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
'peace offering'
(Kent’s POV)
Nandito kami ngayon ni cris at nikki sa favorite kainan namin, masarap kasi yung Special Batchoy nila dito eh. Madalas kami dito simula pa nung college, kasabay namin dati si Kate dito ngayon kaming tatlo nalang. Actually kakatapos lang naming mag simba, 3pm yung mass na napag simbahan namin, palagi kaming mag kasama pag nag sisimba, nag do-double date kami dati pero ngayon third wheel na ako. Tch!
“hindi paba kayo nag usap ni Gab tol?” tanong ni cris sakin. Tch! Ito yung unang pagkakataon na pinagusapan namin yung nangyari last Friday, hindi naman kami kasi nag kita kahapon. Nasa bahay lang ako buong araw. Medyo badtri pa dn kasi ako eh. tch!
“Oo nga kent, kawawa naman si Gab, siya na nga napahamak inaway mo pa” sabi naman ni nikki. Tch! Kahit kaylan talaga mas kinakampihan nila si Gab kesa sakin.
“Hindi. At wala akong planong kausapin siya. Ni hindi niya nga ako tinawagan kahapon eh. Kahit thank you wala akong na rinig, bakit ko pa siya kakausapin?” tanong ko at sinubo pagkain ko
“Alam mo ang harsh mo sa kanya kent, hindi niya naman ginusto yun. Sobra ka naman ata” sabi ni nikki
“Oo nga tol, nakakaawa talaga siya. Dapat nga i comfort mo pa nga siya tapos sinigaw sigawan mo pa siya. Tinakot mo lalo eh” dag dag pa ni cris
“Tch. So ako pa may kasalanan?” tanong ko sa kanila, mukhang ako pa ata sinisisi nila eh. Ako na nga ang nagsagip sa kanya eh, tapos ako pa ‘tong masama.
“Hindi naman sa ganun kent, I mean kailangan mo siguro siyang kausapin. Kasi last time hindi kayo Okay eh. Galit na galit ka sa kanya eh” sabi ni nikki at niinom yung coke niya
“Oo nga tol, i think kalangan mo din siyang kamustahin. Kasi iyak ng iyak yun eh” dag dag pa ni cris at sinubo yung tinapay. Tumango tango naman si nikki
Hindi nalang ako sumagot. Napaisip naman ako, Okay lang ba si Gab? Baka na trauma ulit yun. Baka hindi na pumunta ng Bar yun. Pero malabo naman mangyari yun, siya pa. Eh hindi buo buhay niya kung hindi maka pag bar eh. Pero seriously, Naka get over na ba siya sa nangyari? Nag aalala pa din ako sa kanya eh, may trauma kasi siya about sa rape diba? Dati about sa taxi driver. Isa din na rason yun kung bakit galit na galit ako nung Friday.
Alam kong na takot talaga siya kasi iyak siya ng iyak, actually first time ko siyang nakitang ganun, nakita ko naman siyang umiyak dati nung uminom kami nung nag open up ako sa kanya, pero nung Friday iba eh, takot na takot siya, pero sinigawan ko lang siya. Haaaay! Ang gago ko din eh. na konsensya tuloy ako sa pag sigaw ko sa kanya. Eh galit na galit lang naman ako eh. Kakapikon kasi eh. Sabi ko naman sa kanya layuan na yun pero ang tigas ng ulo, kaya siya na pahamak eh. Tch!
BINABASA MO ANG
Falling in Love Unconsciously
Romance“She wasnt exactly sure when it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and now, she was falling hard and she could only pray that he was feeling the same way.” ― Nicholas Sparks, Safe Haven