'can't say no'
(Kent’s POV)
Kakagising ko lang, napasarap ata tulog ko. Tinignan ko yung relo sa bedside table ko. 1:24pm na pala. Halos 3 hours dn pala ako naka tulog. Bumangon ako sa kama at tinignan yung cellphone ko. 10 msgs.???? Yung lima galing kay gab.
*hoy kent, palitan mo yung kinain natin kagabi, samahan mo akong mag grocery mamaya*
*Gago ka. Samahan mo ako mag grocery, pag hindi mo ako sinamahan patay ka sakin*
*hooooy! Mag reply ka*
*Wala kang utang na loob, pagkatapos kitang damayan sa problema mo hindi mo na ako pagbibigyan*
*bwisit ka! Wag na wag kang mag papakita sakin. Mamatay kana sana. SANA HINDI KANA BALIKAN NI KATE*
Ano ba naman ‘tong mga text ni Gab. Napaka sama talaga nitong babaeng ‘to. Nireplyan ko na agad yung mga DEATH THREATS niya. Baka totohanin eh!
*babaeng amazona na sobrang sama, sorry kung hindi ako naka reply agad, naka tulog po ako. Kung maka text kanaman parang ang laki ng kasalanan ko. Ang sama sama mo talaga*
Pag ka reply ko kinuha ko na agad yung towel at dumiretso na sa CR. Naligo na ako.
After 15 minutes. Lumabas na ako. Feeling ko may death threats na naman ako nito galing kay gab, kaya hindi ko na tinagalan pag ligo ko. Hindi nga ako nag kamali meron nga
*tssss. Hapon na natutulog ka padin? Ang sabihin mo ayaw mo lang akong samahan. Wala kang kwenta. Anyways I don’t care. Samahan mo ako sa ayaw at sa gusto mo*
*fetch me exactly 3pm. Pag nalate ka patay ka sakin*
Wow ha! Kakaiba talaga ‘tong babaeng ‘to. Siya na nga ang magpapasama demanding pa. Tssss! Pasalamat siya may utang ako sa kanya. Nireplyan ko na baka dumami pa yung death theats ko mahirap na.
To: Gab Amazona
Opo Madam.
Lumabas nalang ako at kumain ng lunch. 2:15 nag bihis na ako. Naka White V-neck tshirt lang ako, black denim pants at black vans. 2:40 na akong umalis ng bahay. Mahirap na baka malate ako sa pag sundo sa babaeng yun. Baka totohanin niya yung death threats niya.
After 15 minutes naka dating na ako. Nag doorbell na agad ako. Tsss. Ang init kaya dito sa labas. Haaay~ ang tagal niya pang buksan. Kaya pinindot ko ng pinindot yung doorbell. Hahaha. panigurado galit na galit na siya ngayon. Hahaha
Mayamaya, lumabas na siya, syempre naka kunot na naman ang noo niya. Hahaha. nakakatawa talaga siya pag na aasar. Pinipindot ko padin yung doorbell kahit na kita ko na sya. Hahaha ang sarap niya talagang asarin.
“Mukhang enjoy na enjoy ka sa pag pindot ng doorbell ah! Wala ba sa inyo yan?” sarcastic na tanong niya sakin. Sabay bukas niya ng gate
“hahaha. ang sarap mo kasing asarin eh” sabi ko sabay kurot sa ilong niya. Hahaha
“ugh! Bwisit ka!” sabi niya sabay alis ng kamay ko sa ilong niya. Tinalikuran niya ako agad at pumasok sa apartment
“hahaha. ang pikon mo” habol ko sa kanya habang tumatawa papasok
“tssss! Alam mo badtrip ka kent” sabi niya habang inaayos gamit niya sa bag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/8015602-288-k519474.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling in Love Unconsciously
Storie d'amore“She wasnt exactly sure when it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and now, she was falling hard and she could only pray that he was feeling the same way.” ― Nicholas Sparks, Safe Haven