‘they like her’
(Kent’s POV)
Kararating lang namin ni Gab sa labas ng bahay nila ate kat-kat. Sinundo ko kasi siya, pero nakaka badtrip lang, pinaghintay ba naman ako ng isang oras, sabi niya 3 dadating na siya, pero pasado alas 4 na siya nakarating. Nakakainis lang, gutom na gutom na talaga ako.
“Ano ba yan kent, nakakahiya naman. Wala man lang akong regalo, sabi sayo dumaan muna tayo ng SM bibili lang ako. Nakakahiya tuloy.” Sabi niya sabay palo sa likod ko. Naka angkas pa kasi siya salikod ko.
“Ano ba? Ang arte arte mo, ang sabi kasi alas tres, pero anong oras ka dumating?” sabi ko at bumaba na ng motor ko. Pero siya hindi padin bumababa, kaya tinignan ko siya ng masama, ano ba kasing problema ng babaeng ‘to? “ano ba? Bababa kaba o hindi?”
“Eehh! Nahihiya talaga ako kent eh. ano gagawin ko sa loob, makikikain lang talaga? Nagmukha naman akong patay gutom nun.” Sabi niya at bumaba ng padabog sa motor ko. Parang bata! Tssss.
“Bakit ganun ka naman diba?”
Tinignan niya ako ng masama at saka ako binatukan. “Gago ka pala eh” tsss. Bwisit! Nakakapikon na talaga ‘tong babaeng ‘to. Papatulan ko na talaga ‘to!
“tsk! Wag kana ngang maarte dyan. kung ayaw mo bahala ka dyan” sabi ko at nag lakad na, pag tingin ko sa likod ko, hindi parin siya sumusunod sakin, nandun parin siya nakatayo at nakatingin sakin ng masama. Tsssss! Ang arte.
“Halikana nga, nagugutom na talaga ako gab, wag kanang maarte” sabi ko tsaka ko hinatak ang kamay niya papasok sa loob ng Gate.
Pag pasok namin, nakita ko agad sina mommy, candy, ate kat-kat, cris at nikki na naka upo sa may terrace, nasa Garden kasi yung party, sa likod ng bahay.
Pagpasok na pag pasok namin, sumigaw agad si ate kat-kat “Hello Gab, i’m glad you came” sabi niya habang papalapit samin
Binitawan naman agad ni Gab yung kamay ko. Tinitignan kasi nilang lahat eh! hindi ko naman na malayan na magkahawak pala kami ng kamay ni Gab. nakakahiya tuloy, kung ano ano na naman yan mamaya ang pumasok sa mga utak nila, mga malisyoso pa naman sila.
Pag kalapit ni ate kat-kat samin, nag beso agad siya kay gab “Sorry po, wala po akong regalo para kay carlo” sabi niya at nag beso kay ate “itong si kent kasi eh! sabi ko dumaan ng SM, ayaw niya” dagdag niya pa at siniko ako. Ouch! Kahit kailan napaka sadista talaga ‘tong si Gab. nakita naman na mukhang napangiwi yung mga tao sa may terrace at medyo tumawa. Tssss!
“Ano kaba, okay lang yan. Ang importante dumating ka” sabi ni ate at hinawakan yung likod ni gab at umalis na.
Whaaaat? Invisible ba ako diba? Sino ba ang pamilya samin ni Gab? ako o siya? Bakit hindi man lang ako pinansin? Kahit tingin wala. Ugh! Kakainis, ako nga dito ang nagugutom na sakakahintay sa bisita nila tapos ako pa ang hindi pinansin? Tssss!
“Hoy kent, ipakilala mo naman si Gab sa mommy mo” bungad ni cris sakin ng lumapit ako sa kanila, ngumisi pa ang loko. Tch! Kung ano ano na naman siguro ang pinagsasabi nila kay mommy.
Tinignan naman nila akong lahat. Tch! “si Gab nga pala” bored na sabi ko, alam ko naman na madami ng naikwento ‘tong mga ‘to kay mommy. Bakit ko pa ipapakilala? Tssss!
“Ano ba naman yan kent” sabi ni mommy sakin, at tumingin siya kay gab at nag smile “Hello iha, ako nga pala ang mommy ni kent, tita Carmen nalang tawag mo sakin, ito naman si Candy kapatid niya” malambing na sabi ni mommy at nag beso pa kay gab.
![](https://img.wattpad.com/cover/8015602-288-k519474.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling in Love Unconsciously
Romance“She wasnt exactly sure when it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and now, she was falling hard and she could only pray that he was feeling the same way.” ― Nicholas Sparks, Safe Haven