Napangiti ako habang nakatingin sa paligid. Marami nang nagbago sa mall na kinaroroonan ko pero pareho pa rin ang feels habang naglalakad ako rito ngayon. Naaalala ko pa kung paanong dito kami madalas tumambay dati ng mga kaibigan ko noong college pa kami. Parang kailan lang. Di ko akalaing mahigit isang dekada na ang lumipas simula noon.
Napansin kong maraming tao sa event center kaya naman pinuntahan ko. Curious lang kung anong meron. Natawa ako nang makita ang mascot ni Doraemon sa may stage. Maraming tao kasama ang mga anak nila kaya naman hindi na lang ako nakisiksik masyado. Tinignan ko lang uli ng ilang sandali saka ako umalis.
Ramdam ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya naman kinuha dumukot ako sa bag ko para kunin 'yun. Pero hindi ko pa man nakukuha ang cellphone ay naramdaman ko nang may bumangga sa akin. Magso-sorry sana ako dahil alam kong kasalanan ko rin dahil hindi ako nakatingin sa daan pero natigilan ako bigla. Pamilyar ang amoy niya. Bigla ko ring naramdaman na parang may mga paru-paro sa sikmura ko.
Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulala lang hanggang sa matauhan ako at nilingon ang nakabanggaan ko. Pero wala na siya. Mukhang naroon na siya sa gitna ng maraming tao.
Naramdaman ko uli ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya naman kinuha ko na 'yun nang tuluyan mula sa bag ko.
"Hello?"
Hindi ko alam kung sino ang tumatawag dahil kakukuha ko lang din naman ng number na ito ngayong araw. Kung tutuusin, ito ang ipinunta ko rito sa mall.
"Jacky!" narinig kong patiling sabi ng nasa kabilang linya. "Nandito ka na nga!" aniya pa.
Sa boses niya pa lang, alam ko nang si Lana 'yun. Kani-kanina lang kasi ay nai-text ko si Jace para ipaalam ang number ko. Kabilin-bilinan niya kasing ibigay ko agad ang number ko sa kanya dahil may kakailanganin siya sa akin mamaya.
Nakangiting tumango ako kahit na hindi naman 'yun kita ni Lana. After four years, narito na uli ako sa Pilipinas.
"I'm back!"
BINABASA MO ANG
Still Into You
Romance[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilipinas. Sa pagbabalik niya ay nobyo niya na si Anthony na ilang taon din siyang pinagpursigihang paibi...