Chapter Twenty One

198K 3.1K 226
                                    

Nagising ako nang maramdaman ko ang pag-galaw ni Maico sa tabi ko.

"Gising ka na pala. Anong oras na ba?" tanong ko.

Ngumit agad siya at hinalikan ako sa noo. "Good morning my beautiful wife," aniya.

Niyakap niya ako nang mahigpit kaya naman gumanti agad ako nang yakap. Pero mabilis na kumalas ako sa yakap at napabalikwas nang may maalala.

"Oh my God! Late na! Bakit hindi mo ako ginising?!" sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya sa sinabi ko at hindi sumagot.

Pero nagulat ako nang maramdaman ko ang lamig sa katawan ko. Kinuha ko agad ang kumot at itinakip sa sarili ko. Dahil doon, si Maico naman ang nahantad sa harap ko. Umiwas agad ako nang tingin.

"Magtakip ka nga!" sabi ko.

I can't get use to this sight.

"Deja vu?" aniya. "Parang nangyari na 'to dati ah? Hmmn, kelan nga ba 'yun?"

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maalala ng unang beses na may nangyari sa amin.

"Tigilan mo nga 'yan Maico! Bumangon ka na rin late na tayo!"

Tumalikod na ako para pumunta sana sa banyo nang hilahin niya ang kumot na nakatakip sa katawan ko.

"Bakit mo ba tinatakpan 'yan e sobrang daming beses ko nang nakita 'yan?" aniya.

"Sira ka talaga! 'Wag ngayon! May pasok tayo."

Tumalikod ulit ako pero nagulat na lang ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

"'Wag na muna tayong pumasok. Honeymoon naman natin e," aniya kapagkuwan.

"Hindi pwede, Beast. May kailangan akong asikasuhin ngayon. Hindi 'yun pwedeng ma-delay," sabi ko.

Hindi niya inalis ang pagkakayakap sa akin at umungol lang bilang protesta.

"Please?"

Napabuga na lang ako ng hangin bago humarap sa kanya. Hindi ko napigilang matawa sa hitsura niya. Nakasimangot siya nang todo. Pinisil ko ang ilong niya saka 'yun hinalikan.

"Gusto ko rin namang hindi na lang sana pumasok kaso—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinalikan niyang bigla ang mga labi ko.

"It's settled then. Hindi tayo papasok."

~*~

Inabot na kami ng tanghalian bago kami nakababa mula sa kwarto. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal siyang nakayakap sa akin sa may veranda habang nakatitig lang kami sa kawalan.

Tutal naman at hindi kami pumasok ay napagpasyahan naming samantalahin ang pagkakataon. Kukunin na namin ang mga gamit ko sa unit at saka kami maggagala. Kung saan-saan lang. Sa mga dati siguro naming pinupuntahan. Aalalahanin ang masasayang araw namin doon.

Dumeretso agad ako sa kwarto ko para makapag-empake pagkarating namin sa unit.

"'Yung mahahalagang gamit na lang ang kunin mo. Kahit huwag ka nang kumuha ng mga damit. Marami ka naman nun sa bahay. Saka mamimili tayo sa weekend," ani Maico.

"Beast, hindi na kailangang bumili ng bago. Besides, hindi pa naman masyadong nagagamit ang mga damit ko na narito kaya mas mainam kung dadalhin ko na lang. 'Yung ipambibili natin ng mga bagong damit e itabi mo na lang muna."

Tumango na lang siya bilang pag-sang-ayon.

"Tutulungan na kita."

Ngumiti ako sa kanya saka itinuro ang maleta na agad niya namang kinuha.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon