Ilang segundo na ring nakabukas ang pinto pero 'di pa rin ako pumapasok. Tama ba 'tong gagawin ko? Lolokohin ko ang bata. Baka balang araw 'pag nalaman niya ay lalong makasama sa kanya. Sumilip muna ako at nang makitang natutulog ito ay napagpasyahan ko na ring pumasok.
Ipinaliwanag ni Maico kanina ang kalagayan ng bata. May heart defect ito kaya naman hindi nila malaman ang gagawin nila dahil ayaw nitong uminom ng gamot o kumain man lang hangga't hindi siya pumupunta. Nang mga sandaling marinig ko 'yun, hindi na ako nagdalawang-isip at nagpasyang puntahan agad ang bata.
Nakatagilid si JM pagkalapit ko. Kita pa sa mukha niya ang mga luha. Mukhang umiyak na naman nang umiyak ang bata. Nakita ko naman sa may sofa ang yaya niya. Natutulog din ito at mukhang puyat na puyat. Napansin ko agad ang picture na yakap yakap ni JM sa pagtulog. Dahan-dahan kong kinuha 'yun sa mga kamay niya. Inasahan ko nang makikita ko ang mukha ko roon pero 'di ko inasahang ito ang picture. Kuha ito nang dalawin ako ni Mica sa States at kuha mismo ito sa cellphone ng huli.
"Mama." Napatingin ako nang magsalita si JM. Hindi pa siya masyadong mulat pero nakatingin siya sa akin. Nakikita ko rin ang unti-unting pag-ngiti niya kaya nahawa na rin ako at ngumiti.
Dahan-dahan siyang bumabangon kaya inalalayan ko siya at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako bigla. "Mama," aniya pa habang mahigpit na nakayakap sa akin. Hinaplos ko ang likod niya at gumanti ng yakap.
"JM, kumain ka na. Nandito na si Mama 'di ba?" Napalingon kami pareho kay Maico na kapapasok lang sa kwarto at may dalang pagkain. "Come on, eat your food." Inilapag ni Maico ang pagkain sa mesa at inayos ang hospital bed kung saan merong patungan ng pagkain. Pagkuwan ay inilagay niya roon ang mga dala at umupo sa harap ng bata para subuan ito.
Nakasimangot na tumingin sa akin ang bata. Kahit hindi niya sabihin, halata namang gusto niyang ako ang magsubo sa kanya. Napangiti ako bigla. Ang cute niya kasi, parang si Maico kung mag-inarte.
"Ako na," sabi ko kay Maico. Kinuha ko ang kutsarang hawak niya at nagsimulang sumandok ng lugaw. Hinipan ko muna 'yun saka isinubo kay JM. Nakangiti na siya ngayon at mukhang ganado na talagang kumain. Hindi ko na lang pinansin nang tumayo si Maico at pumunta sa may bintana. Mukhang sobrang lalim ng iniisip niya.
Mabilis na naubos ng bata ang pagkain niya kaya naman napainom na agad siya ng gamot.
"Go to sleep na," sabi ko sabay haplos sa buhok niya.
"Are you going to leave me again?" Lumungkot bigla yung mukha niya at mukhang papaiyak na ulit.
"Of course not, I'm never gonna leave you again, ever."
Nakangiting yumakap siya sa akin bago humiga. Bumaligtad ako ng upo hanggang sa may ulunan niya para mahaplos ko ang buhok niya habang nagsisimula siyang mahimbing. Iniyakap niya naman ang braso niya sa mga hita ko. Hindi ko lubos maisip na sa batang edad niya ay nakikipaglaban na agad siya sa sakit. Ilang sandali lang ay naramdaman kong nakatulog na siya. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit kay Maico na hanggang ngayon ay nakaharap pa rin sa labas ng bintana.
Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. "Ihahatatid na kita pauwi." aniya.
"Hindi na, kaya ko naman na. Magta-taxi na lang ako."
"I insist." Tumingin siya sa relo. "Mag-early dinner na rin tayo."
Hindi na ako nakapalag nang hawakan niya ang braso ko at iginiya ako papalabas ng kwarto ni JM.
~*~
"It's Mica."
"What?" tanong ko nang bigla na lang magsalita si Maico pagka-alis ng waiter.
"Si Mica. Siya ang nagsabi kay JM na ikaw ang Mama ng bata." Walang anu-anong sabi niya.
"Huh? E bakit niya naman gagawin yun?"
Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. "Umuwing nagwawala si JM isang araw at hinahanap ang Mama niya. Lahat daw kasi ng classmates niya meron at siya wala. Hindi mapa-kalma ni Mica ang bata kaya naman naisip niya na lang na ipakita ang isang picture sa cellphone niya, which is you. Akala niya pagkatapos na may makita siyang picture, titigil na si JM. Pero hindi, nagpilit ang batang makita ka."
"Kailan pa 'to nangyari?"
"A year ago," aniya. "Pagkabalik ni Mica from States nang dalawin ka niya."
Tumango-tango ako. Hindi naman pala sinadyang ako ang kinilalang ina ng bata. Maganda naman sana ang intensyon ni Mica, kaya lang ay hindi naging maganda ang resulta. At ito nga, nagpapanggap na ako ngayon na ina ng bata para lang magpagaling ito.
"Tss." Si Maico na biglang napangiti. "Alam mo minsan nagdududa na ako sa kapatid kong yun e. Parang obsessed sayo. Pati pangalan ni JM kinuha niya sa pagalan niyong dalawa. Jack Mikael." Napailing siya ng bahagya. "Ipinagpilitan niya talaga 'yun kaya pinagbigyan ko na. Jacky at Michaela daw yun, male version."
Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Naalala ko nga noong dumalaw sa akin si Mica sa States. Umiyak talaga siya pagkakita sa akin. Tawa nga ako ng tawa nun e. Ang sabi niya sa akin, sana raw hindi na lang kami naghiwalay ng Kuya niya. Sana raw ako na lang ang naging Ate niya.
"Anong plano natin ngayon?" tanong ko. Hindi naman kasi pu-pwedeng araw-araw kong pupuntahan si JM e. May sarili akong buhay. Bukod pa sa nand'yan si Anthony. Speaking of Anthony, panigurado, hindi siya matutuwa sa pinaggagagawa ko.
"I don't know." Napapikit siya nang mariin. "Kanina nga napagisip-isip ko rin yan e. Paano na pagkatapos ng araw na 'to? Siguradong hahanapin at hahanapin ka ni JM. Hindi ko naman pwedeng basta ka na lang agawin sa boyfriend mo." May bitterness akong nahimigan nang sabihin niyang 'boyfriend' pero di ko na lang pinansin.
"Yeah, siguradong magagalit siya."
"I can talk to him," aniya at dumukwang nang kaunti paharap sa akin. "Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Let me talk to him, please."
Hindi ko alam kung magandang idea ang sinasabi ni Maico. Pagdating kasi sa kanya ay mainit palagi ang ulo ni Anthony. Isang beses ngang nabanggit ko ang pangalan niya, nag-init kaagad ang ulo ng huli. Kaya simula nun, never ko nang binanggit ang pangalang 'Maico'. Para kasing masamang salita 'yun para sa kanya.
Nag-isip ako sandali. Paano ko kaya sasabihin kay Anthony na gusto siyang makausap ni Maico? Ugh! Ilang buwan pa lang akong nakakabalik dito sa Pilipinas puro problema na!
"Sasabihan ko siya."
Nakangiting hinawakan ni Maico ang mga kamay ko na nagpapitlag sa akin. Hindi ko inaasahan ang ganitong pakiramdam sa simpleng paghawak niya lang. Parang nahilo akong bigla na hindi ko mawari. Basta parang umikot bigla ang paligid ko.
"Salamat, Jacky."
BINABASA MO ANG
Still Into You
Romance[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilipinas. Sa pagbabalik niya ay nobyo niya na si Anthony na ilang taon din siyang pinagpursigihang paibi...