"Punta tayo sa Spa," ani Maico.
"Huh? E akala ko ba magmo-movie marathon tayo?"
Umakbay siya sa akin. "Nagbago isip ko e. Parang gusto kong magtanggal ng stress sa katawan. Tara na!"
Hinila niya na agad ako patayo kahit hindi pa ako nakaka-oo sa kanya. Nagmamadali pa siyang itinulak ako papalabas ng unit. Ini-lock niya muna iyon saka umakbay sa akin at pumunta sa may elevator.
"Saang Spa naman tayo? Saka may bukas pa ba ng ganitong oras?" Tinignan ko ang relo ko. "Maga-alas otso na o," sabi ko pa.
Ngumiti siya sa akin saka kinurot ang pisngi ko.
"Oo naman. Twenty-four hours yun 'no."
"Okay," sabi ko na lang.
Halos thirty minutes din ang ibinyahe namin papunta sa Spa na sinasabi niya. Medyo madilim yun kung titignan mo sa labas. Wala rin masyadong tao. 'Yung receptionist lang at guard ang nasa labas. Kunsabagay, gabi na rin naman e. Malamang kaunti na lang ang customer nila sa ganitong oras.
Binasa ko ang mga nakasulat sa harapan. Isang Authentic Korean Spa pala ito. Kaya pala ganito 'yung mga sulat. Pati yung ice cream na mabibili sa harap ay hindi ko maintindihan ang mga nakasulat.
Iniabot sa akin ni Maico ang t-shirt at short na isusuot ko. May kasama rin 'yung dalawang tuwalya at ang susi ng locker na gagamitin ko.
"Pakitanggal na lang po ang mga sapatos bago pumasok," pahabol na sabi sa amin ng receptionist.
Tumango na lang kami at inalis na ang mga suot na sapatos.
Magkahiwalay ang pinto na papasukan namin ni Maico. Sa locker syempre siya ng lalaki at sa babae naman ako.
"Doon na lang tayo sa loob magkita. Hihintayin kita sa may cafeteria. Ipapa-schedule ko na rin yung massage nating dalawa," ani Maico.
"Sige," sabi ko.
Ilang beses na rin akong nakarating sa Spa pero hindi katulad nito. Ibang-iba ang ambiance dito. Parang 'yung mga napapanood sa mga Korea nobela.
Nagbihis na ako at inayos ang dala kong gamit sa locker na naka-assign sa akin.
Papasok na lang sana ako sa loob para pumunta sa may cafeteria nang makita ko ang pool. Hot ginseng pool ang nakalagay roon at na-engganyo naman akong lumublob. Hindi na ako nagdalawang isip at agad na nag-shower para makalublob na agad sa maligamgam na pool.
Kakaibang ginhawa ang naramdaman ko nang naroon na ako. Parang lahat ng problemang iniisip ko ay nawala na lang basta. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at ninamnam ang ginhawa na nararamdaman ko.
Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal doon nang makita ko ang wet sauna sa bandang gilid. Umahon agad ako para pumasok roon. May ilang babae rin sa loob pero hindi ko na lang pinansin at pumikit ulit ako sa isang sulok.
Pakiramdam ko ay sobrang fresh na ng pakiramdam ko pagkalabas. Nag-shower ulit ako at nagbihis. Nang mapatingin ako sa oras ay naisip ko si Maico. Shit. Mag-iisang oras din ako rito. Baka kanina pa yun naghihintay sa akin. Pero ang purpose naman talaga ng pagpunta rito ay para ma-relax di ba? So, may reason ako kung bakit napatagal.
Mabilis ang ginawa kong paglalakad papunta sa cafeteria. Dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na 'to ay hinanap ko pa 'yun. Nang sa wakas ay makalabas ako sa isang pinto at nakitang marami-raming tao kahit paano ay napangiti na ako. Ito na siguro 'yun.
Una kong nakita ang bilihan ng pagkain. Sa gilid nun ay ang resting area. Maraming natutulog na may sapin lang sa likod. Naalala ko tuloy yung mga napapanood ko sa TV. Ganitong ganito ang hitsura nun. Pati 'yung damit na suot namin. Bakit hindi ko agad napansin kanina?
BINABASA MO ANG
Still Into You
Romance[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilipinas. Sa pagbabalik niya ay nobyo niya na si Anthony na ilang taon din siyang pinagpursigihang paibi...