Chapter Five

225K 2.9K 599
                                    

"Yes, he said he's going to sign." I rolled my eyes. Ang kulit kasi nitong si Jace e, paulit-ulit nang tanong kung pumayag ba si Maico sa proposal. Ilang araw na ang nakararaan mula noong maka-usap ko si Maico pero ngayon ko lang nasabi kay Jace dahil sa sobrang busy niya. Galing pa siyang Cebu para sa isang branch niya roon kaya lalong hindi ko na siya naka-usap.

Narinig ko yung pagbuga niya ng hangin. "Okay. Thank you, Jacky," aniya.

"Yeah, yeah, whatever." Binuksan ko ang kotse ko kasabay nang pagpapatay ng cellphone ko. May lunch date kami ni Anthony ngayon. Actually, balak kong sabihin sa kanya ang tungkol kay JM. Sana lang maging maayos ang reaction niya.

Mabilis lang akong nakarating sa Vignette Bistro kung saan lagi kaming kumakain. Gaya nang dati, naroon na siya. Mas malapit naman kasi ang office niya rito kaysa sa akin. Kinakabahan ako. Ang totoo kasi, darating si Maico maya-maya. Hindi ko na nasabi kay Anthony dahil nagmamadali siyang ibaba 'yung tawag kagabi.

"Hi, Hon!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Malapad na ngiti naman ang isinalubong niya sa akin. Naka-order na siya ng pagkain at hinihintay na lang 'yun. Alam niya naman na kasi kung anong gusto ko.

"Ang tagal mo," nakangusong sabi niya pero wala namang pagtatampo sa boses niya.

"Sorry, kinukulit kasi ako ni Jace tungkol sa trabaho." Napatigil ako. Mukhang maganda ang mood niya. Siguro tamang timing na 'to para sabihin sa kanya. "Ako kasi ang umaasikaso ng merger with MVB Productions." Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay ang reaksyon niya. Alam niya naman kasi kung sino ang may-ari ng company na yun.

"MVB," aniya sa matabang na boses. Halata sa hitsura niya ang pagka-inis.

"Yeah."

Huminga siya nang malalim saka tumingin sa malayo. Halatang nagpipigil siya ng galit niya. Hindi ako makapagsalita dahil natatakot akong bigla siyang sumabog. Hihintayin ko na lang na siya ang magsimulang magtanong.

"You'll be working with HIM," aniya. It's a statement rather than a question kaya naman hindi ako sumagot. "Hindi ba kaya ni Jace ang trabahong 'yan at kailangang ikaw pa?" Kitang-kita na yung galit sa mga mata niya.

"Jace has no time to take in. Besides, I'm managing the business so I'm the only option to pursue this merger."

"'Yung anak niya?" I know he's not talking about Jace. He's talking about Maico's son, JM. Naging issue na sa amin na tinatawag akong Mama ng bata. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang pinaninindigan ko 'yun sa ngayon.

"That's what I want to talk to you about. Maico asked me to play mother with his son—"

"What the hell?" he burst out.

Hinawakan ko agad ang kamay niya at ipinaliwanag ang lahat. Ikinwento ko ang mga nagyari, kung paanong ako ang kinilalang ina ng bata at kung paanong hindi namin masabing hindi totoo 'yun dahil sa kalagayan ng puso nito.

"I can't bear to just hurt the little child's feelings. Besides, it's the only way for us, me and Jace to survive Garcia Recording. Please try to understand."

Tahimik lang siya habang hindi tumitingin sa akin. Alam kong hindi pa rin niya gusto ang ideyang magpapanggap akong ina ng bata pero hindi ko na 'yun balak pang bawiin. Hindi ako matatahimik kung sakali mang may mangyaring masama sa bata nang dahil sa akin.

"Paano ako?" maya-maya'y biglang tanong niya.

"What are you talking about? Nothing will change between us," sagot ko.

"Huh! I don't think so! You'll be working closely with you EX and you expect me to think nothing will change? You loved him for the longest time!"

"Yes, loved. You said so, I loved him. With ED. Past tense na. Come on, wala ka bang tiwala sa akin?"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon