Chapter Two

240K 3.3K 441
                                    

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Napatingin ako sa bata, pagkatapos ay kay Anthony. Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Hey, kid," sabi ko habang bahagyang inaalis ang pagkakayakap sa akin ng bata. "Uhm, nawawala ka ba? Hindi kasi—"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi nang may magsalita mula sa likod ko. "JM! Jusko kang bata ka!" Nakita ko ang yaya ng bata na palapit sa amin. "Aatakihin ako sa puso sa pinaggagagawa mo! Akala ko kung nasaan ka na!" Hinawakan ng yaya niya ang bata sa magkabilang balikat. Halata sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

Dahan-dahang tumayo si Anthony mula sa pagkakaluhod habang hindi inaalis ang tingin sa amin.

Pilit na inaalis ng babae ang bata sa pagkakayakap sa beywang ko pero lalo lang hinigpitan ng bata ang yakap nito.

"JM, halika na. Baka hinahanap na tayo ng Papa mo," anito pa habang patuloy pa rin sa pagpipilit na alisin ang pagkakayakap ng bata. "Naku malalagot ako kay Sir nito," pabulong na sabi ng yaya bago bumaling sa akin. "Naku, pasensya na po kayo, Ma'am. Ano kasi... 'Yung Mama niya—"

"Akala ko po hindi ka na babalik, Mama." Narinig kong sabi ng bata. Sabay kaming napatingin ng yaya niya sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang malapad ang ngiti niya. "Ang tagal ko pong hiniling kay Papa God na ibalik ka Niya sa amin," patuloy niya pa.

Hindi ko malaman kung anong isasagot ko. Nakikita ko sa mga mata ng bata na naniniwala siyang ako talaga ang Mama niya. 'Yung ngiti niya, sobrang saya nun na para bang wala nang bukas. Kung titignan mo siya, parang 'yun din ang kauna-unahang beses na ngumiti siya. Hindi na lang ako nagsalita at ginantihan ko siya nang ngiti.

Tantya ko sa edad ng bata e nasa apat hanggang anim na taong gulang. Medyo mahaba na 'yung wavy niyang buhok. Kulay tsokolate 'yung mga mata niya na may mahahabang pilik, pahaba yung mukha at matangos ang ilong. Kahit sino gugustuhing maging anak ang batang ito.

"JM, hindi siya ang mama mo," sabi ng yaya saka sinubukan ulit na kunin siya.

"Siya ang Mama ko! I'm sure of it, okay?" Tumingin pa nang masama ang bata sa yaya niya bago tumingin uli sa akin at ngumiti.

Hinawakan ko ang ulo ng bata at hinaplos ang buhok niya. Kung wala lang tunay na ina ang batang 'to baka gustuhin ko pang ako na lang sana yun. Kaso alam kong may isang ina kung saan man na tunay na nagmamay-ari sa kanya.

Nakita kong kumuha ng cellphone ang Yaya niya at may tinawagan. "Naku Sir, narito po kami sa ibaba restawran. May babae ho kasi rito na pinagkamalan ni JM na Mama niya at ayaw niyang bumitaw." Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapakinggan ang one sided na pakikipag-usap niya sa amo. "Opo, Sir. Sige po." Pagkababa niya sa telepono ay bumaling siya sa amin. "Naku JM, papunta na rito ang Papa mo. Baka mapagalitan tayo pareho kaya bumitaw ka na r'yan." Hinawakan niya ulit ang magkabilang balikat ng bata pero naramdaman kong lalo pang hinigpitan ng bata ang yakap niya sa akin.

Wala pang isang minuto ang lumipas nang marinig kong may nagsita mula sa likod. Literal na napatigil ako sa boses na 'yun. Hindi ko alam kung balik kinabahan ako bigla. Hindi ko na rin namalayan na humigpit ang pagkakahawak ko sa batang nakayakap sa akin.

"JM, let go of her. She's not your Mom."

Ilang sandali lang nang umupo siya sa harap namin para kuhanin ang bata nang mapatigil din siya. Ilang segundong nakatitig lang siya sa akin bago siya nagsalita uli.

"Jacky—­"

~*~

Umiwas agad siya ng tingin kapagkuwan at bumaling sa bata. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at sinubukang alisin ang pagkakayakap sa akin.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon