Ilang oras na akong nakatitig sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog simula nang umalis si Maico kanina pang alas-dos. Napahinga na lang ako nang malalim. Alas-cinco na ngayon. Kailangan ko pa man din ng matinu-tinong tulog dahil may kakausapin akong client mamaya. 'Pag pumalpak ako 'dun patay ako kay Jace.
Hay, bakit ba kasi nangyayari 'to? Maayos na ang buhay ko e. Bakit bumalik pa si Maico? Ngayon tuloy, nagsisimula na namang gumulo. May balat 'ata sa pwet ang lalaking 'yun kaya ganito lagi ang dinaranas ko e. Tss. Oo na, wala siyang balat. Ilang beses niya nang ibinalandra sakin 'yun kaya alam ko.
Pumikit na lang ako ulit at pinilit na kumuha ng kahit konting tulog.
Wala pang limang minuto akong nakapikit, tumunog na ang doorbell. Wait, bumalik ba si Maico? Pero darating si Anthony mamaya!
Mabilis akong bumangon at pumunta sa pinto. Walang anu-anong binuksan ko 'yun.
"Good morning!"
Nakahinga ako nang maluwag nang mabugaran ko si Anthony na may bitbit pang bouquet ng flowers. Itinapat niya 'yun sa mukha ko at nangingiting inabot ko naman.
"Hindi naman halatang na-miss mo ako masyado 'no? Nagmamadali ka pang pagbuksan ako?" natatawang sabi niya.
Inirapan ko lang siya at malapad na binuksan ang pinto. Pagkasarang-pagkasara niya nun, mariin niya agad akong hinalikan sa mga labi.
"Oh, God! How I missed you!" aniya pagkuwan.
Pakiramdam ko ay obligasyong kong sumagot kaya naman ngumiti ako at nagsalita, "I missed you too," sabi ko.
Naglakad siya papuntang kusina saka naupo sa harap ng mesa. Inilapag niya roon ang bitbit na Army Navy paper bag at sinenyasan akong maupo sa kandungan niya. Inilapag ko ang mga bulaklak sa counter saka lumapit sa kanya at nag-aalangang naupo sa mga kandungan niya.
"Ang aga mo naman 'ata masyado?"
Tumawa siya nang bahagya. "Gaya ng sabi ko, namiss kita ng sobra. Hindi na ako makatulog kaya pumunta na lang agad ako rito. At least, mas mahaba ang oras nating magkasama 'di ba?" aniya saka humalik sa pisngi ko.
Napapitlag ako nang lumapat ang mga labi niya sa pisngi ko. Ewan ko, nagulat lang siguro ako kasi bigla-bigla naman siyang nanghahalik.
"Ano 'yang binili mo?" tinignan ko 'yung inilagay niya sa mesa para hindi niya mapansin na hindi ako komportable.
"Steak burrito saka double burger. I know how you love the double burger kaya 'yun ang binili ko for you," aniya.
Nakangiting tumango ako. "Kain na tayo. Nagugutom na rin naman ako e." Tumayo na ako mula sa pagkaka-kalong sa kanya.
Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa at pagkatapos ay naupo ako sa upuan na nasa harap niya. Tahimik lang kami habang kumakain. Nangangalahati pa lang ako ay busog na ako. Ibababa ko na sana 'yun nang maisip na ayaw nga pala ni Anthony nang nagiiwan nang pagkain.
Pinilit ko pa uling kumagat pero busog na talaga ako kaya naman ibinalot ko na lang ulit 'yun saka ibinaba sa mesa.
"Tapos ka na? Hindi pa ubos 'yang pagkain mo a?" ani Anthony.
Umiling ako saka humigop ng kape. "Pahinga muna, uubusin ko rin mayamaya."
Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto rin kaming tahimik habang kumakain siya. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay may biglang nabuo na invisible barrier sa pagitan naming dalawa.
Nakatitig lang ako sa kanya at parang may napansin akong kakaiba. Hindi ko 'yun mai-pinpoint pero basta may kakaiba sa kanya e.
"May problema ba?" hindi ko napigilang itanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/8187848-288-k780266.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Romance[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilipinas. Sa pagbabalik niya ay nobyo niya na si Anthony na ilang taon din siyang pinagpursigihang paibi...