Trust. 'Yan lang nga siguro ang kailangan para matahimik ang utak ko. Masyado kasi akong kinakain ng insecurities ko at nakakalimutang ko nang magtiwala sa pagmamahal ni Maico.
Maraming naging malinaw sa akin kanina matapos kong kausapin si Jace. Tama nga siya. It's been four years at sa loob ng mga taong 'yun ay hindi naisip ni Maico na mas mabuting si Elaine ang makasama niya at hindi rin naisip ni Elaine na gusto niyang balikan ang mag-ama niya. Tinatakot ko lang ang sarili ko. Gumagawa ako ng problema na hindi naman dapat problemahin.
Kakarating ko lang ng bahay galing sa isang dinner meeting. Naalala ko pa nga nang nagsabi ako kay Maico kanina na 'wag na lang akong sunduin dahil may dinner meeting ako, hindi man lang siya nag-protesta. Sabi niya lang 'okay' tapos nagpaalam na siya. It bothered me for a while pero naisip kong baka nga nakapag-isip na rin si Maico na hindi naman sa lahat ng oras kailangan niya akong sunduin.
Wala siya sa kwarto pagkapasok ko. Kunot-noo ko pang tinignan ang banyo pero wala rin siya. Siguro nasa kwarto ni JM o nasa study room (na ginawa niyang opisina). Nagbihis na ako saka lumabas ng veranda para tignan ang tanawin. Tuwing gabi, gawain ko ito. Maganda kasing tignan ang mga ilaw sa lungsod galing dito sa kwarto.
Kalalabas ko pa lang nang mapansin ko si Maico sa may pool. Papatalon pa lang siya roon at napangiti ako sa mga ala-alang pumasok sa isip ko. Noong nasa college pa lang kami, nanonood ako kapag may competition siya sa swimming. At oo, athlete siya, hindi normal na basketball pagdating sa mga lalaki kundi swimming.
Pinakagusto kong nanonood sa kanya noon. Ang ganda na kasi ng katawan niya kahit na teenager pa lang siya. Natatawa na lang nga ako sa sarili ko kung paano ko siyang pagpantasyahan nang mga panahong 'yun. Come to think of it, pwede ko na rin sigurong tuparin ang isa sa mga pantasya ko noon sa kanya.
Patakbo pa ang ginawa kong pagbalik sa loob ng kwarto. Binuksan ko agad ang closet at hinanap ang kaisa-isa kong swim suit na iilang beses ko pa lang naman naisuot. Nagpalit agad ako noon at nagsuot ng bathrobe saka bumaba para samahan si Maico sa pool.
Pinagmasdan ko muna si Maico ng ilang sandali saka kumuha ng tiyempo para sa 'pantasya' ko noon. Nang makita ko ang tamang pagkakataon, hinubad ko agad ang bathrobe at dahan-dahang lumublob sa tubig.
Nakangiting hinintay ko siya habang lumalangoy galing sa kabilang bahagi ng pool. Halatang hindi niya napansin na hindi na siya nag-iisa sa tubig. Huminga ako ng malalim nang malapit na siya. This is it, dapat di ako pumalpak.
Gaya ng plano ko, sa akin siya tumapat pagkarating sa gilid ng pool. Nagulat pa siya nang makita ako roon pero tulad ng sa nasa isip ko, unti-unti siyang ngumiti saka humawak sa beywang ko. Hindi na ako nagaksaya ng panahon at inilapat ko ang mga kamay ko sa abs niya. Shit, mukhang hindi ako sa tubig malulunod nito. Dahan-dahan kong iniangat ang mga kamay ko mula sa tiyan niya pataas sa balikat niya. Binigyan ko naman siya ng maliliit na halik sa mukha habang ginagawa yun.
Nakapikit siya sa buong sandaling ginagawa ko yun. Hanggang sa ilapat ko ang labi ko sa mga labi niya at laliman ang halik. Mabilis na niyakap niya ako ng mahigpit saka gumanti siya ng halik sa akin.
"I love it when you show the world how much you love me," aniya.
Natawa ako ng bahagya. "World? Nasa bahay natin tayo. And basically, tayong dalawa lang din lang ang nasa pool."
"Sa tingin mo hindi tayo nakikita ng mga katulong?" amused na sabi niya. "Siguradong nakikita nila, pero hindi nila 'yun ipapahalata."
I don't really care kung may makakita man. Asawa ko naman si Maico e. Saka bahay namin 'to. There's nothing wrong with that.
"Well, it's fine with me. I can kiss you whenever I want, right?" Hinalikan ko ulit siya sa mga labi. "Bakit, nahihiya ka ba sa kanila?"
Umiling siya. "Nope. Natutuwa lang ako ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/8187848-288-k780266.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Romance[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilipinas. Sa pagbabalik niya ay nobyo niya na si Anthony na ilang taon din siyang pinagpursigihang paibi...