Chapter One

294K 3.9K 1K
                                    

Nagmamadaling bumaba ako ng kotse pagka-park na pagka-park ko pa lang. Tumingin ako sa wrist watch ko, I'm six minutes late. Baka magalit siya dahil late na naman ako. Binilisan ko pa ang lakad ko papapunta sa entrance ng restaurant at pumasok roon.

"I have a reservation with Mr. Cruz," sabi ko sa waitress na sumalubong sa akin.

Nakangiting itinutro niya sa akin ang daan. "This way po, Ma'am," aniya.

Sinundan ko siya at nakarating kami sa bandang gilid.

"Here's your table, Ma'am," aniya sabay turo sa pandalawahang mesa.

May dalawang glass na ng wine roon pero wala namang tao. Nasaan kaya siya?

Naupo na lang ako at naghintay. Tingin ko ay nagpunta lang 'yun sa CR.

Biglaan lang ang pagkikita namin ngayon. Nagsabi akong may meeting ako pero nagpilit pa rin siya. Hindi ko na nai-cancel ang huling meeting ko kaya naman na-late ako.

Nagulat pa ako nang may nagtakip sa mga mata ko. Isang kamay lang ang gamit niya pero sakop na ang dalawang mata ko.

"Guess who," sabi ng nagtakip sa mata ko.

Napangiti na lang ako nang malapad. Ito ang kauna-unahang beses na ginawa niya ito. Sweet naman siya, oo, pero ngayon niya lang 'to ginawa bilang paglalambing.

"Anthony?" kunway hula ko kahit alam ko namang siya talaga 'yun.

Agad na inalis niya ang kamay niya. Bumungad sa akin ang isang bouquet ng red roses na lalong nagpangiti sa akin. Kinuha ko agad 'yun at sinamyo.

"Happy anniversary, Hon," aniya sabay halik sa pisngi ko.

Natigilan ako sandali pero hindi ko ipinahalata. I totally forgot it's our anniversary!

"Happy anniversary rin, Hon," sabi ko.

Hindi ko na lang sasabihin na wala akong regalo sa kanya dahil malalaman niya pang nakalimutan ko. Sobrang busy lang kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa problema sa opisina kaya naman hindi ko napansin ang petsa.

We've been in this relationship for 2 years now. Dalawang taon rin siyang nanligaw bago ko siya sinagot at heto nga, umabot na rin ng dalawang taon magmula noon.

Naaalala ko pa noong dumalaw siya sa akin sa kauna-unahang pagkakataon nang nasa States ako. Two months pa lang ang nakakaraan noon simula nang umalis ako ng Pilipinas. Nagsabi siya noon na itutuloy niya ang panliligaw dahil wala na rin naman daw kami ni Maico.

Mabait siya at sobrang patient niya sa akin. Marami naman akong nakikitang magandang katangian sa kanya kaya hindi naman naging mahirap sa akin ang magustuhan na rin siya. Pero dahil ayokong magind unfair sa kanya, hindi ko siya sinagot agad dahil ramdam kong mahal ko pa si Maico. Madalas siyang dumalaw sa akin sa States at naramdaman ko ang sinseridad niya. Kaya after two years, sinagot ko na rin siya.

Si Maico. Ilang balde ba ng luha ang inilabas ko dahil sa kanya? Simula pa lang sa eroplano na nagmukha akong tanga sa kakaiyak dahil sa mga nakasulat sa notebook niya na naubusan na ata ako ng tubig sa katawan. Umabot din yun ng buwan... No. Taon bago ako tumigil sa pag-iyak sa tuwing naaalala ko siya. Ganun katagal. Kahit na nariyan kasi si Anthony para pasayahin ako, pakiramdam ko may kulang.

Subconsciously, I was expecting that Maico will come after me. Feelingera na kung feelingera pero kung ganun niya ako kamahal hindi niya naman ako susukuan di ba? Pero siguro napagod na rin siya. Sa lahat ng pagkakataon kasi na sinubukan niyang makalapit sa akin ay itinataboy ko siya. But that was before I've read his notebook. Matapos kong basahin 'yun, hindi ko man aminin ay hinihintay ko siyang dumating. Ine-expect ko siya sa harap ng pintuan ko at naghihintay sa akin. Pero sa loob ng apat na taong nakalipas, wala akong nakita ni anino niya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon