Chapter Thirty

145K 2.8K 119
                                    

"Saan ka galing?"

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Maico. Ramdam ko ang galit doon.

"Tinatanong kita kung saan ka nanggaling!"

Napaatras ako bigla. Pakiramdam ko, itinulak niya ako kahit na ilang metro din ang layo niya sa akin. Nakikita ko na ngayon ang galit sa mga mata niya. Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Napalunok ako habang papalapit siya sa akin.

"M-maico..."

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso. Supposedly mahigpit 'yun pero parang normal na pagkakahawak lang ang ginawa niya. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay niya. Tinignan ko siya sa mga mata at nakita ko ang unti-unting pagkawala ng galit sa mga yun.

Matagal na nakatitig lang siya sa akin saka bigla siyang bumitaw.

"Mahal mo ba talaga ako, Jacky?" biglang tanong niya.

Napakunot ang noo ko at tinignan ko siya nang mataman.

"Ano bang sinasabi mo d'yan? Of course, mahal kita, Maico," mahinang sabi ko. Naguguluhan pa rin sa inaakto niya.

Tumingin siya sa kawalan saka nagsalita. "Mahal? Naririnig mo ba ang sarili mo Jacky? Nagagawa mong sabihin sakin yan kahit na alam naman nating pareho na si Anthony ang mahal mo!" Lumigon siya sa gawi ko, punum-puno ng galit ang mga mata niya. "Nakita ko kayo, Jacky... nakita ko kayo..."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa nanlalaking mata ay tinitigan siya. Ang tinutukoy niya siguro ay yung aksidenteng pagkikita namin ni Anthony noong 2nd month anniv namin ni Maico. Ngayon, alam ko na kung bakit nagkakaganun siya ng mga panahong 'yun.

"You don't understand—"

"Siya naman talaga ang pinili mo dati di ba? Noong kausap mo yung mga kaibigan mo?" Ngumiti siya nang mapait saka isinuklay ang kamay niya sa buhok. "Napasubo ka lang ba dahil sinabi mo sa Mama ni Anthony na magpapakasal tayo?" Tumingin siya sa akin sandali. "Oo, alam ko ang tungkol sa pagsugod niya sa opisina mo." Nag-smirk pa siya saka nagpatuloy. "At kaya pinanindigan mo na lang dahil nahuli mong may babae si Anthony 'di ba? 'Yun naman talaga ang nangyari. Kaya dalawang buwan ka nang nagti-tyaga sa pakikisama sa akin!"

Napatulala na lang ako sa mga sinabi niya. Kahit isa dun, hindi totoo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, naiinis ako sa ginagawang ito ni Maico, sa pag-aassume niya, pero at the same time, naiintindihan ko siya, mahal niya lang talaga ako kaya nagkakaganyan siya.

"Hindi ka makasagot. Dahil totoo? E, nag-enjoy naman ba kayo ngayong gabi? Ang tagal niyo rin siguro sa apartment na 'yun 'no?"

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya ang mga 'yun.

Hindi ko napigilang sampalin siya. Sa lahat ng pag-aakusa niya, ito ang hindi ko matanggap. Para sabihin niyang kasama ko si Anthony magdamag samantalang ginagawa ko ang mga 'yun para sa kanya. Para niya akong sinampal.

"Hindi ko akalaing ganyan kababa ang tingin mo sa akin, Maico," naiiyak na sabi ko. "Mahal kita... bakit ba hindi mo mapaniwalaan 'yun?" mariing sabi ko.

Tumalikod ako sa kanya sandali saka huminga nang malalim. "Buong buhay ko, ikaw lang ang lalaking minahal ko nang sobra-sobra. Ikaw ang pinili ko, ikaw ang pinakasalan ko, tinaggap kong may anak ka sa iba hindi dahil lang sa napasubo ako. Ginagawa ko ang lahat dahil ikaw ang mahal ko, dahil ikaw ang laman nito—" Itinapat ko ang hintuturo ko sa dibdib ko.

"Ilang taon pinilit kitang kalimutan pero hindi ko nagawa. Akala ko lang na nagawa kong mawala ka sa puso ko pero hindi pala. Unang beses pa lang na makita kita sa restaurant na 'yun bumalik lahat ng pagmamahal ko sa'yo, lahat ng sakit na naramdaman ko nang iwan kita... Niloko ko ang sarili ko na si Anthony na talaga ang mahal ko pero hindi e. Ikaw lang kasi talaga."

"Noong araw na nakita mo kami, aksidente lang 'yun. Hindi naman namin sinasadyang magkita. Iyon din ang una at huling beses na nagkita kami simula nang magkaliwanagan kaming tapos na talaga ang lahat samin. Sana lumapit ka noong nakita mo kami. Sana sinigurado mong nagkikita nga kami palagi at hindi ka lang basta nagalit. Ang sakit, Maico. Ang sakit."

Humakbang siya ng isang beses papalapit sa akin. Wala na ang galit sa mukha niya, napalitan na yun ng pang-unawa. Umatras ako ng isang hakbang para mapanatili ang layo namin sa isa't-isa.

"Inaamin ko, nag-doubt ako sa iyo. Inisip ko na baka pag nakita mo si Elaine bigla mo na lang akong iwan. Baka maisip mo na mas mabuting makasama ni JM ang tunay niyang ina. Pero inalis ko 'yun sa isip ko. Pinili kong pagkatiwalaan ka at ang pagmamahal mo. Sana ganun ka rin sa akin. Tiwala lang, Maico. Yun lang ang mahihingi ko sayo ngayon."

Nakatungo si Maico sa harap ko at nakikita ko ang pagtulo ng ilang luha niya sa sahig.

"Jacky... I'm sorry, natatakot lang ako na baka iwan mo ako. Sobrang mahal lang kita..."

"Naiintindihan ko naman 'yun, Maico e. Mahal mo ako. Natatakot kang mawala ulit ako sa'yo. Pero naisip mo rin bang mahal kita? Simula unang beses pa lang na nakita kita itinago na kita sa puso ko. At natatakot din akong mawala ka sa buhay ko."

"Pero kanina... nagsinungaling ka," sabi ni Maico pero wala na ang galit sa tono niya.

"I had to. Classified ang project namin ni Mrs. Martinez sa apartment na 'yun."

"Classified that even your husband couldn't know?"

"Yeah, I'll tell you in the future about the project, just not now. Pero, paano mo nalaman ang bagay na 'yun? Sinusundan mo na ako?" Sinadya kong ibahin ang usapan. Ayokong masayang ang mga pinaghirapan ko para sabihin sa kanya ang ginagawa ko sa lugar na 'yun. Kailangang magawa ko pa rin ang surprise ko para sa kanya.

"It's just... I'm so sorry."

Sa mga sandaling 'yun, lumapit agad si Maico at niyakap ako nang mahigpit.

"Paano mo nasasabing pinagti-tyagaan lang kita?" sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. Hindi ko mapigilang mapaiyak ulit dahil sa relief na nararamdaman ko ngayong yakap na ako ni Maico.

Ikinulong ni Maico ang mukha ko sa mga kamay niya. "Shhh... tahan na. I'm sorry, Jacky. I'm so sorry."

Inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko saka umatras.

"So, ganun na lang 'yun? Pagkatapos mo akong akusahan ng kung anu-ano? Isang yakap lang ayos na?"

"Hindi mo naman matitis ang gwapo mong asawa 'di ba?" aniya hinaluan pa ng pang-aasar ang boses niya.

"Believe me, I can," sabi ko sa seryosong tono.

Nakita ko ang panic sa mga mata niya lalo na nang tinalikuran ko siya at naglakad ako palabas ng pinto. Mabilis na hinila niya ako pabalik sa kanya. Tinitigan niya ako sa mga mata habang malalim ang paghinga niya.

"Hindi mo naman ako iiwan na lang basta 'di ba?" aniya naroon din ang panic sa boses niya.

I rolled my eyes. "Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko kanina?" Nilagyan ko ng iritasyon ang boses ko. "I said I don't want to lose you again, remember? Ayaw lang kitang kausap ngayon. Mag-isip-isip ka muna. Pupuntahan ko ang anak natin."

Nahuli pa ng paningin ko ang bahagyang pagngiti niya sa huli kong sinabi. "Okay, naiintindihan ko," aniya saka lumayo ng konti sa akin.

Naiiling na lumabas ako ng kwarto. Pakiramdam ko hapung-hapo ako sa nangyari. Pero sa pagkakataong ito, meron nang ngiti sa mga labi ko. 

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon