Chapter Eleven

220K 3.3K 355
                                    

"Beauty! Tikman mo 'to" ani Maico saka itinapat sa bibig ko ang ice cream na hawak niya. Kumakain kami ngayon ng ice cream dito sa Bee Farm. Dalawang scoop lang kada order kaya naman magkaiba kami ng inorder ni Maico. Malunggay at Tomato ang sakin pati kay JM. Malunggay at Spicy Ginger naman sa kanya. At ito nga, 'yung luya flavor ang Ipinapatikim niya sa akin.

Kumagat ako roon at naramdaman ko namang kinuha niya 'yung ice cream na hawak ko saka kumagat din dun sa tomato flavor. Okay naman ang lasa ng mga ice cream na 'to kahit na sa una ay maiisip mo na parang ang weird. Malunggay, tomato, tapos luya? Err, noong una nga parang ayaw kong bumili pero pinilit ako ni Maico.

Hindi pa man namin tapos ang kinakain ay natanaw ko na ang sasakyan ni Mang John na paparating. Ang sabi sa akin ni Maico, sa Panglao kami ngayon buong araw. Maglilibot muna kami ngayong umaga tapos mamayang tanghali hanggang hapon e sa beach kami magtitigil.

Una naming pinuntahan ang Dauis Church. May balon sa loob mismo ng simbahan. Ang sabi pa ni Mang John, pinaniniwalaang nakapagpapagaling ang tubig na nanggagaling doon. Kumuha kami ng tubig at ipinainom kay JM. Baka sakaling makatulong 'yun sa paggaling ni JM mula sa sakit niya sa puso. Wala namang masama kung maniniwala e.

Sumunod naming pinuntahan ang Panglao tower. Nakakalungkot lang na hindi kami pwedeng pumasok dahil hindi na raw 'yun safe. Baka bumagsak pa 'yun habang nasa loob kami. Pero ayos na rin, marami-rami kaming nakuhang litrato kahit nasa labas lang kami.

Dumiretso naman kami sa Hinagdanan cave kapagkuwan. 'Yung liwanag dito, nanggagaling sa mga butas sa itaas. Maliit lang 'yung cave pero may tubig sa gitna kung saan pwedeng mag-swimming. Ang sabi nung lalaki malalim daw 'yung tubig.

"Tara swimming tayo! Minsan lang 'to!" yaya sa akin ni Maico.

"Ayoko nga. Ikaw na lang. Saka kung pareho tayong lulusong d'yan, walang magbabantay kay JM."

Ngumuso siya saka tumitig sa tubig. Mukhang gustong-gusto niya talagang maligo dun. Ayos lang naman, tutal dala namin lahat ng damit namin dahil sa Danao na ang tuloy namin mamayang hapon.

"Sige na, lusong ka na," himok ko sa kanya.

"'Wag na."

"Sus! Sige na, beast. Papanoorin ka na lang namin ni JM dito." Pumwesto pa kami ni JM sa bandang gilid. Tumitig siya sa akin kaya nginitian ko siya. Ngumiti na rin naman siya saka hinubad at iniabot sa akin ang t-shirt niya.

Ilang minuto ring naglunoy si Maico sa tubig. Pagkaahon niya ay umalis na rin agad kami at sa van na raw siya magbibihis. Buti na lang, tinted ang van kaya pwede siyang magbihis. Pumwesto siya sa likod at kumuha ng damit.

"'Wag kang maninilip ha!" sabi niya sa akin nang makakuha siya ng damit.

"Tse! Bakit naman kita sisilipan?" Tumawa lang siya at mukhang nagbibihis na. Ewan ko ba pero nate-tempt akong lumingon sa likod.

Ugh! Pwede ba Jacky! 'Wag ka ngang perv!

Umupo agad sa tabi ko si Maico pagkabihis niya. "Sumilip ka 'no?" bulong niya sa akin.

"Feelingero." Sabi ko saka ko siya inirapan.

"Ha-ha-ha! Ito naman 'di na mabiro." Pinisil niya pa ang pisngi ko saka bumaling kay Mang John. "Manong! Sa beach na ba tayo?" tanong niya.

"Oo, Sir! Doon na ba kayo manananghalian? O gusto niyong dumaan muna tayo sa restawran?"

Nag-isip sandali si Maico. "Hindi na po, tumuloy na tayo sa beach."

Sa isang beachfront resort kami nagpunta at doon na rin kami kumain. Maaliwalas ang panahon, saktong-sakto sa pagbababad sa tubig ng beach. White sand ang beach dito at ang gandang pagmasdan ng paligid.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon