Chapter Nine

219K 3.1K 256
                                    

Welcome Tagbilaran Airport Mabuhay!

Basa ko pagkababa namin ng eroplano.

Narito na ako ngayon sa Bohol. Kasama sina Maico at JM. Hindi sana ako sasama sa kanila at gagawa ng sarili kong lakad. Ang kaso, itong anak ni Maico, ginamitan ako ng ever famous paawa effect na malamang nakuha niya sa ama niya. Nagmukmok ba naman sa isang sulok pagkasabi kong hindi ako sasama sa kanila. Hindi siya umalis doon hangga't hindi ko sinabing sasama na ako.

Tatlong araw lang kami rito. Huwebes ngayon at sa Sabado ng gabi ang balik namin sa Manila. Nagsabi ako kay Anthony na may aasikasuhin dito. Sinabi ko pating dadalawin ko na rin sina Lisa at Jelay sa Sabado. Gusto niya sanang sumama ang kaso ipinadala rin siya ngayong araw sa Batanes para sa isang project doon na kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Hindi ko na lang sinabi sa kanyang kasama ko ang mag-ama dahil panigurado, magagalit siya.

"Mama! Picture tayo!" Hinila ni JM ang kamay ko at tumalikod sa harap ng airport. Kinuha naman ni Maico ang DSLR niya at kinunan kami ng litrato.

"Ikaw? Kuhanan ko kayo ng picture," alok ko kay Maico at kinuha ang camera niya. Pagkatapos ay pumwesto na silang mag-ama roon at kinuhanan sila.

Balak pa sana ng mag-ama na magpakuha kaming tatlo kaso pinapalayas na kami ng mga tauhan sa airport. Pumasok na raw kami sa loob at nakaka-abala na sa labas. Kinuha namin ang mga bagahe namin pagkapasok. Isang maleta ang dala ko at dalawa naman kay Maico. Kay JM kasi ang isa pero maliit lang 'yun kaya ipinapatong niya lang sa bagahe niya.

"Saan tayo?" tanong ko. Hindi ko na kasi natanong sa kanya kung ano ang plano. 'Yung itinerary namin ,wala akong idea. Pati 'yung tutulugan namin mamayang gabi ,hindi ko na rin naitanong.

"May susundo sa atin, tour guide slash driver natin. Nasa labas na 'yun malamang," sagot ni Maico.

Kumapit sa kanang kamay ko si JM at sa kaliwang kamay naman ni Maico. Kung titignan mo kami, mukha kaming isang masayang pamilya. Tinignan ko si JM na ngayon ay ngiting-ngiti. Kitang-kita mo sa kanya kung gaano siya kasayang narito ako. Hindi ko talaga kayang masaktan na lang siya basta. Paano na pagkatapos ng tour na 'to at sabihin na ni Maico ang totoo? Hindi ko ma-imagine ang magigng reaksyon ng bata. Ayoko na ring isipin muna.

Pagkalabas namin ng airport ay namataan namin ang isang Mama na may hawak na bond paper na may nakasulat na 'Mr. Maico Buenaventura and Family'. Lumapit agad kami sa kanya at nakipagkilala.

"Ako po si John, Sir, Ma'am."

"Maico." Inilahad ni Maico ang kamay niya at tinanggap naman 'yun ni Mang John. "This is my wife, Jacky and my son, JM," aniya pa sabay turo sa amin ni JM. Pero ano niya raw ako? Hindi na ako pumalag sa sinabi niya at nakipag-kamay na lang kay Mang John.

"Teka, kukunin ko lang po 'yung sasakyan. Wala na po kasing ma-pwestuhan dito kaya roon ko pa ho nai-park," ani Mang John sabay turo sa 'di kalayuan.

Hinintay lang namin siya sa may lilim hanggang sa lumabas siya sa isang van.

Malaki ang sasakyan para sa amin dahil tatlo lang kami. Siguro, pangmaramihan ang tour nila pero inupahan na lang ni Maico para sa aming tatlo.

Inilagay nila ni Maico ang mga bagahe namin sa likod at naupo kaming tatlo sa unahang pwesto ng van. Doon kami nagsiksikang tatlo. Parang ang pangit nga naman kasi kung hihiwalay pa ako at uupo sa likod e pamilya nga kami 'di ba? Napapailing na lang ako pagnaiisip 'yun. Pamilya daw kami. Pasaway 'tong Maico na 'to.

Ako ang nasa tabi ng bintana, nasa gitna namin si JM at nasa tabi ng pinto si Maico. Ganyan ang ayos namin noong una, pero itong makulit na bata na 'to, nagpumilit na pumwesto sa tabi ng bintana para makita niya ang paligid. Hindi ko naman siya masisisi, ang ganda kasi ng paligid. Ang aliwalas sa paningin. Hindi tulad sa Maynila na puro building at usok ng sasakyan ang makikita mo.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon