Pinagmasdan ko ang mga paintings na nakahanay sa kwarto. Konti na lang matatapos na ako. It's been a month since our confrontation and since then, naging mas open na kami sa isa't-isa. Kahit sobrang busy namin pareho, nakakahanap pa rin kami ng oras para sa isa't-isa at para kay JM.
Ipinalipat ko last month ang mga paintings ko dito sa isang hindi ginagamit na kwarto sa bahay. Ibinilin ko pa sa mga katulong na hindi pwedeng malaman ni Maico ang tugkol doon. Ginawa ko 'to para maiwasan na rin mag-isip pa ng kung anu-ano si Maico. At least pag hinanap niya ako ngayon, nasa bahay lang ako.
Napatingin ako sa wall clock. Malapit nang mag-alas-singko ng hapon. May pupuntahan pa akong party ng alas-syete. Ngayon na ang araw na binanggit sa akin ni Elaine noong nakaraang buwan. Engagement party niya na.
Nabanggit ko kay Maico ang tungkol kay Elaine. Nagsabi rin ako na pupunta ako ngayon sa engagement party nito. Hindi ko inasahan yung naging reaksyon niya.
"I'm glad she's finally found her match," sabi ni Maico pagkapaalam ko.
"Oo nga e. Masaya talaga ako para sa kanya."
"I-congrats mo na lang ako sa kanya. Hindi talaga ako makakasama e. Siguro susubukan kong humabol para sunduin ka na lang," aniya pa.
Ini-anticipate ko pa na may ibang reaksyon siyang ipapakita pero wala. Sinabi niya lang na hindi siya makakasama dahil may mahalagang dinner meeting siya.
Inayos ko ang mga gamit saka lumabas.
Umakyat na ako sa kwarto para maligo at magbihis. May isang oras pa naman ako para maghanda. Hindi rin naman pati kalayuan ang venue kaya hindi ko kailangang magmadali.
Nakasalubong ko pa si Maico na paalis pa lang ng bahay.
"O, hindi ka ba male-late sa meeting mo?" tanong ko.
Tumingin siya sa wristwatch niya. "I hope not. Mag-iingat ka mamaya ha," aniya. Humalik siya sa mga labi ko saka nagmamadaling umalis ng bahay.
Alas-sais na nang matapos akong maghanda. Paalis na lang ako nang harangin ako ng isa sa mga katulong.
"Ma'am Jacky, ito na raw po 'yung listahan ng pagkain galing sa catering na kukunin para sa birthday ni JM," aniya.
Napakunot ang noo ko. "Birthday ni JM?" mukhang tangang tanong ko.
"Opo. Next week po." May pagtataka sa boses niya. Iniisip siguro kung bakit tinatanong ko 'yung birthday ng sarili kong anak. Pero hindi ko anak si JM. Sa pagkakatanda ko pati, after six months pa bago ang birthday niya. "Kailangan na raw po ng sagot niyo kung okay na 'yan hanggang bukas."
Tumango na lang ako at inilagay ang papel sa dala kong pouch.
Sumakay ako ng taxi dahil bilin ni Maico. Sigurado naman daw kasing matatapos 'yung meeting nila agad kaya masusundo niya ako.
Naisip ko ang birthday ni JM sa isang linggo. Kung mag-aapat na taon pa lang siya, ibig sabihin, hindi siya ang anak ni Elaine. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kabisado ko ang petsa kung kailan ako umalis ng bansa. At isang buwan bago 'yun nang manganak si Elaine.
Naalala ko pa ang narinig kong itinawag ni Elaine sa anak niya noon. Eleazar. Malayong-malayo sa Jack Mikael na pangalan ni JM. Sumagi na 'yun sa isip ko dati pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Naisip ko kasing baka pinapalitan na lang ni Maico ang pangalan ng bata.
Hindi na ako mapakali habang papalapit sa venue. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik. Itatanong ko na agad kay Elaine ang tungkol sa anak niya. Kung si JM nga 'yun at nagkamali lang ako ng kalkula ng oras (na parang imposible namang mangyari) it's fine. Matagal ko naman nang tanggap na may anak sila ni Maico e. Pero kung hindi, hindi ko maimagine kung anong mangyayari.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Romance[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilipinas. Sa pagbabalik niya ay nobyo niya na si Anthony na ilang taon din siyang pinagpursigihang paibi...