Sunset
"Beh, what if one day mawala ako sayo, yung parang sunset.." bulong ko sakanya.
Nandito kami ngayon sa favorite spot namin, nagyayakapan. Tanaw na tanaw namin yung sunset. Dito kami madalas nag h-heart to heart talk, pag may problema yung isa sa amin.. At sa tingin ko ako yung may problema saming dalawa ngayon.
"Okay lang. May sunrise naman, alam kong babalik ka pa rin" inosenteng sagot niya at sinandal yung ulo niya sa balikat ko.
Di naman ako mawawala Jho, babantayan pa rin kita, parang araw.. Sana ganoon na lang kadali yun, Jho. Sana.
Ano ba naman ang laban ko kay Marci diba? Lalaki siya, babae lang ako. Alam ko namang di ako papatulan ni Jho.. bestfriend lang tingin niya sakin. Bestfriend.
Tiningnan ko siya. This is just so perfect. Yung kaming dalawa lang, walang sagabal.
"Ah haha, oo nga naman no" walang ganang sabi ko sakanya.
Napawi ang ngiti niya at tiningnan ako.
"Bakit? Aalis ka? Kaya ba tayo andito, kasi iiwan mo na ako?" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Napaiwas ako ng tingin. Ayoko siyang tingnan, baka di ko kayanin.. baka magpalit yung isip ko.
"Ano na Bea?! Ba't di ka makasagot?!" sigaw niya sakin habang niyuyuyog ako.
I can't answer Jho, I just can't. Pinapalaya na kita.. alam kong sasaya ka kay Marci.
Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak, it breaks my heart. Kailangan ko siyang harapin.
"Jho, hindi kita iiwan ano ka ba.. Pero siguro wag muna tayo maging close sa isa't-isa, ayokong isipin nila na may namamagitan sa atin" sagot ko.
Tama yang ginagawa mo Bei.. tama yan.
"Putangina ang sakit Bei! Ang sakit sakit! Kelan ka pa nagkaroon ng pake sa iniisip ng mga tao?! Ha, kelan pa?!" sigaw niya ulit.
Hinarap ko siya. I was so shocked na grabe na yung mga luha na bumabagsak galing sa kanyang mga mata. Fuck bea, get your shit together!
"Kahapon lang." nakangiting sabi ko sakanya.
Make her hate you more, Isabelle! Diyan ka naman magaling.. Ang magpaka-martyr!
"Alam mo? I can't believe you! Wala kang kwentang bestfriend! Diyan ka na nga!" she told me and stood up. Tumatakbo siya palayo sa akin habang pinapahiran yung mga luhang tumatakas sa kanyang mukha.
'Wala kang kwentang bestfriend'
Tama ka Jho.. baka wala nga talaga.
Naiwan ako ditong mag-isa. Tinitingnan ko yung paligid. Madilim na pala. Mas okay umiyak pag ganito, di masyado halata.
I was about to stand up when someone hugged me from the back.
That scent.
"Sshh bei, iiyak mo lang 'yan. I saw everything.. I did" he told me habang pina-pat yung ulo ko.
Same old Thirdy. My Thirdy.
Hinarap ko siya at umiyak sa kanyang dibdib.
"Tangina third! Ngayon ramdam ko na.. Ramdam na ramdam ko na yung sakit na dinanas mo! Karma na siguro to sakin Third!" sinusuntok ko yung dibdib niya habang umiiyak.
Bakit na naman ba niya ako sasaluhin? Sinaktan ko na nga siya!
"Sshh, bei iiyak mo lang yan" hinahaplos niys yung likuran ko.
"Kailangan niyang sumaya Third kaya ko ko yun ginawa!" dagdag ko at medyo nawawalan na ng lakas.
"I know bei.. I know," sabi niya. "Tara punta tayo sa favorite place mo? Wanna talk about it?" humiwalay siya sa yakap at hinawakan yung magkabilang pisngi ko.
Chocolate factory!
"Sge. Salamat ng marami Third. Maraming salamat talaga" sabi ko sakanya at ngumiti.
I feel better now. Kilalang kilala niya talaga ako.
"Sa car ko na ikaw sumakay. Tinext ko na si manong na ihatid yung car mo sa bahay nyo ng ALE. Let's go?," nakangiting sabi niya. "Ang mahuli pangit!"
Andaya, I didn't see that coming.
"Hoy Ravena andaya mo talaga kahit kailan! Lagot ka sakin mamaya!" sigaw ko dahil naunahan niya na ako.
Binelatan niya lang ako. Isip bata talaga to!
How I miss the old days..
BINABASA MO ANG
If I Lose Myself (COMPLETED)
FanfictionAll we need is someone that we can share our feelings with and make us believe that love has no boundaries. Will they continue to what they believe is real despite of the people around them? Will they give up their love for the sake of the bettermen...