Chapter 31

11.8K 263 43
                                    

Happy soul



Bea's POV

Mag a-alas siete na ng nakatanggap ako ng text from Tita Lovel.

From: Tita Lovel

Hi Bea! Please come here sa house, konting salo salo lang. Hehe. Ikaw pa rin pala may hawak ng heart ko? Hihi.

Simula nung umalis si Jho, ay lagi akong iniimbitahan ni Tita sa kanilang bahay. Nagk-kwentuhan kami ng mga personal na bagay.. She's like interrogating me nga? Pati si Ja ay naging ka-close ko na rin.

I tried to ask her about Jho's whereabouts for the past 5 years, but iniiba niya lang yung usapan. Hindi ko naman siya kinukulit at nakikisabay nalang sa mga sini-share niya.

Mana si Jho kay Tita Lovel sa pagka-kalog niya. Ang bagets nga ni tita eh. Madali mo lang rin mababasa yung mga naiisip niya dahil makikita mo ito sa kanyang mga kilos.

Kumunot ang aking noo ng nabasa ang huling linya ng kanyang text.

To: Tita Lovel

Sure po! I miss going to your house na rin po :) Pero si Tito po yung may hawak ng heart niyo eh? Haha!

Binalik ko na ang aking phone sa aking pocket at agad na nagbihis. I need to be there by 8. Nakakahiya naman siguro kung paghihintayin ko sila.

Kinuha ko na ang aking car keys at bumunta na sa parking lot. Pinatunog ko ang aking MX-5 Miata at pumasok na. Ito na lang gagamitin ko, mas mabilis 'to eh.

Agad ko naman itong pinharurot at in-on ang aking music.

I love using this car, mas feel ko ang air talaga. Kaso lang badtrip dito sa Manila, may places talaga na polluted kaya you have no choice.

Dumaan muna ako sa may McDonalds para makapag-drive thru.

"Good evening! what's your order?"

"Mcflurry Matcha for 5 please"

"Okay ma'am proceed lang po sa next counter. Enjoy your meal!"

Agad naman akong umabante para makuha na ang aking order at para makabayad na.

Timing naman at chix 'tong nasa may cashier.

"Here's your order ma'am! Thanks for dropping by" nakangiting bati niya atsaka inabot sa akin ang isang bag.

"Pwede mo rin ba idrop ang digits mo?" natatawang sabi ko at kinindatan siya.

Namula naman siya at tumingin sa paligid. At talagang kumagat siya ah?

"A-ah a-ano po k-kasi ma-am.." nauutal niyang sabi.

"Jokey!"

Pinaharurot ko ulit ang aking sasakyan at nilingon siya, only to find out na namumula siya sa galit at kahihiyan. Tinawanan ko nalang ang kanyang naging reaksyon.

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon