Chapter 25

11.5K 191 5
                                    

Pikachu



Marci's POV

I tried okay? I fought for her... pero hindi pala sapat na ako lang yung lumalaban.

Crush ko na si Jho, noon pa man. I tried to approach her several times, pero laging deadma... laging walang pake. Tingin niya sakin talaga bestfriend lang eh. Kaya when I knew na umiyak siya because of what she saw (Maddie and Bea hugging) I made a move. Nagtaka nga ako eh kung bakit niya ako pinatulan. Lol, Marci, probably para maging rebound. And if you're asking me kung mahal ko pa siya? I don't know.

Ang hirap mag panggap na masaya sa harapan niya. Oo nga, ako yung nakipag-break pero I just did it to prevent further damage. Further damage, my ass.

Tama na nga yan Marci! Para ka namang bakla diyan eh. Mabuti pa mag-aral ka nalang para sa ikasasaya ng magulang mo, puta.

Tiningnan ko naman ang schedule ko at saktong-sakto namang favorite subject ko pa. Math Class. So pumunta na ako sa classroom and waited for the prof.

Sa sobrang pagkahilig ko sa Math ay nabo-boringan na ako sa prof namin. Alam ko naman 'yan eh! Badtrip.

I got my cellphone and started to play chess nalang. Ang weak naman kalaban ko! Ez win. Buti nalang at nag text si Justin.

Justin is my bestfriend since grade school. Magka-teammates kami. Tamad tong mag-aral eh kaya patext-text nalang during class hours.

From: Bro Justin

Hello :)

Ang bakla! Hindi naman ata to si Justin eh. I was curious kaya nagreply na rin ako.

To: Bro Justin

Hi :) Hindi to si Justin, right? Who's this?

From: Bro Justin

Oo. Wag mo 'kong ma-English diyan ha! Feeling mo naman?! Nagtext lang ako sayo dahil bored si me. I'm 11:11, bye Pikachu!

Ang weird netong babaeng to! 11:11? Feeling wish naman to. Kasalanan ko bang Englishero ako? Tss. And what did she just call me? Pikachu? Do I look like a fucking Pokémon?!

To: Bro Justin

Weirdo.

From: Bro Justin

Anong weirdo bro?! Gago ka ba? Btw, there's a game later then sabay na tayo papuntang bonfire. Don't be late! Gtg. Dota.

Shit. Si Justin na pala gumagamit ng phone. Minura pa ako putek talaga. Class hours tapos magdo-dota?! Anuna acads.

Umiling nalang ako at tinago na ang aking cellphone. May game pa pala kami mamaya.. hassle.

Nang natapos ang aming klase ay agad akong dumiretso sa sasakyan. Ang layo pala ng venue tas badtrip, traffic pa!

"Bro, sino yung 11:11 na nag-text sakin kanina?" bungad ko kay Justin.

"Bastos ka talaga. Wala man lang hello bro?" natatawa niyang sabi.

"Oh hello. Sino nga?"

"Aysus bro. Don't tell me tinatamaan ka dun?" pang-asar niya.

"Tangina neto. Wag na nga lang" inis kong sabi atsaka umaksyong aalis na.

"Si Wish bro. Friend rin yun ni Jho.."

Pinagt-tripan ata ako neto eh! Makaalis na nga. Nilingon ko naman si Justin na ngayon ay tumatawa na parang walang bukas. Kainis! Bakla.

Naipanalo naman namin yung laro. Ez win.. ang weak nila. Badtrip, kayang-kaya naman 'to ng Team B eh. Nagbihis na kami ni Justin atsaka lumabas na ng gym. Pinagod lang ako sa wala!

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon