Goodbye
"Di naman ako papayag na ikaw lang yung mahuhulog."
Pagkatapos nung nangyari ay ewan ko ba.. parang unti-unti na rin kaming bumabalik sa dati. Nakaka-miss yung kakulitan niya eh. Kasi nung bumalik ako, lagi siyang cold. Lagi niya akong tinataboy. Parang kinamumuhian niya ako.
Pagkatapos naming kumain (syempre kasama na naman si Red) ay napagdesisyunan naming maglaro muna ng Truth or Truth. Pauso 'tong si Red eh!
Inikot naman ni Bea ang bottle at saktong natapat ito.. sa akin.
"Mahal mo pa?" seryoso niyang sabi.
Nanginginig ako sa mga titig niya. Mahal ko pa? Oo! Mahal pa kita! Bobo.
"Sino?"
"Bawal na magtanong kung sino. Mahal mo pa ba? Yes or No?"
Si Marci ata ang tinutukoy nito eh?! Alangan naman sarili niya tinutukoy niya?
"Hindi na."
Umigting ang kanyang panga at maya-maya tumango na rin.
Turn ko namang mag-spin ngayon. At kung minamalas ka nga naman oh!
"Uhh Bea.. May chance ba?" nahihiya kong sabi.
Bigla namang sumeryoso ang tingin ni Red kay Bea.
May chance nga ba? ...tayo?
Bigla siyang tumingin kay Red tapos sa akin.
"Wala." malamig niyang sabi.
Alam ko na eh. Alam kong wala naman talaga, pero bakit pa rin ako umaasa?
Biglang naputol ang aming pagtitinginan ng nagsalita si Red. "Oy ako naman! Parang kayo lang yung naglalaro dito eh!"
"Oh sige. Uhmm gusto mo ba si Bea?" sabi ko at tumawa ng mahina.
Nanlaki naman ang mga mata ni Bea, at masama akong tiningnan. Pake mo? Ako naunang nagtanong eh!
"Oo naman! Syempre!" sabi niya at inakbayan si Bea.
Tumawa naman silang dalawa at kinurot pa ni Bea ang pisngi ni Red.
Bigla naman akong napairap sa ginawa niya. Dati eh sakin mo lang yun ginagawa eh.
"Sige. Magpapahangin muna ako." sabi ko at tumayo na.
"Okay. Matutulog na rin ako. Pumunta ka lang 'dun." sagot ni Bea at tumayo na rin.
Tumango lang ako at tiningnan si Red bago umalis.
Natatawa ako sa sarili ko. Nagseselos pa rin ako pag may ibang kasama Bea. Ang selfish ko masyado. Wala eh, mahal na mahal ko eh.
"Oh anong iniisip mo?" rinig kong sabi ng isang boses sa likuran ko.
Tanaw na tanaw ko ang mga bitwin at ang alon dito sa kinauupuan ko. Nakakagaan sa feeling.. pero biglang bumigat ng may tumabing pangit sa akin.
BINABASA MO ANG
If I Lose Myself (COMPLETED)
FanfictionAll we need is someone that we can share our feelings with and make us believe that love has no boundaries. Will they continue to what they believe is real despite of the people around them? Will they give up their love for the sake of the bettermen...