Chapter 37

12K 316 35
                                    

Bea's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Hanggang ngayon ay damang-dama ko parin ang kasiyahan dahil sa nangyari kagabi. Ops! Yung truth or truth. Halatang-halata kasi yung pagseselos ni Jho samin ni Red.

Agad akong napaupo nang naramdamang walang Jhoana Maraguinot sa aking tabi. Shit! Sabi niya susunod siya eh.

Agad naman akong lumabas at nadatnan si Red na nakikipag-usap kay Mang Ernesto.

Agad naman akong lumapit sa kanya at unti-unting umaangat ang kanyang mga labi. Kung gaano kaganda ang gising niya ay iyon namang ika pangit sa akin.

"Nakita mo ba si Jho?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

Sumenyas naman si Mang Ernesto na aalis muna siya saglit dahil maghahanda daw muna siya ng pagkain.

Si Mang Ernesto ang parang in-charge dito sa isla. Pinagkakatiwalaan talaga ito ng pamilya, lalong-lalo na ni daddy. Nahahalata na rin ang kanyang puting buhok.

"Aba malay ko Bei. Baka naglalakad lang diyan. Tara na nga lang at kumain na tayo." nakangiting sabi niya at hinawakan ang aking braso.

Agad ko namang tinabig ang kanyang mga kamay. And who gave you the right?!

"C'mon Red, you know how much I hate liars." malamig kong sabi.

"Di ko nga nakita. Kahit itanong mo pa si Mang Ernesto! Siya yung nagche-check sa buong isla kada gabi eh."

Nako! If I'll find out that you're lying... ewan ko nalang talaga.

Tumango ako at agad nang pumunta sa resto dahil dinadalaw na naman ako ng gutom. As usual, puro mga seafoods na naman ang ulam. Okay na rin 'yon, hindi rin naman kami masyadong nags-seafoods sa bahay. Kadalasan ay poultry at vegetables lang. My parents understand naman na I need to keep my figure.

That's why I love them so much. Kahit na nagkulang ako bilang anak nila, they never gave up on me.

Hinawakan naman ni Red ang aking upuan at aakmang hihilain ito para makaupo ako pero bigla ko siyang pinigilan.

"I got this." malamig kong sabi.

Tinaas lang niya ang dalawa niyang kamay at tumawa ng mahina. Can't he see that I'm not in the mood right now?!

Agad naman akong umupo at nagsimula ng kumain. May parte pa rin sa akin na nagsasabing hindi siya nagsasabi ng totoo.

I have known him for 5 years already. He was there when I needed him. I see him as my brother, and di naman ako ganoon ka manhid na hindi malaman na higit pa sa isang kaibigan ang tingin niya sa akin.

I know his weaknesses. I've seen him devastated. I know kung kelan siya nagsasabi ng totoo. At lalong-lalo na kung kelan siya nagsisinungaling. At ngayon yung panahon na 'yon.

"Red, can you please do me a favor?" sabi ko sabay subo ng pineapple.

Parang nabigla naman siya nung kinausap ko siya dahil nanlaki ang kanyang mga mata.

"Yeah, of course. Ano ba 'yon?" nakangiti niyang sagot.

"Can you please pack my things muna? I'll call dad lang."

Tumango naman siya at tumayo na para makapunta sa bungalow. Isang ngiti lang ang aking naisagot.

I know he's not telling the truth. Hindi pa rin nagpapakita si Jho. Hindi rin ito ma-contact. She usually leave notes if ever aalis siya saglit, pero ngayon wala. I really have a bad feeling about this... a really bad one.

Nakita ko naman sa di kalayuan si Mang Ernesto. Gaya nga ng sabi ni Red, ay he checks the whole island. So malamang alam niya halos lahat dito.

I came running towards him. Kailangan ko siyang tanungin kung may sumakay ba ng bangka kagabi.

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon