Reward
Jho's POV
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. 6:00 a.m. na pala! Kailangan ko nang mag madali baka mapagalitan pa ako ni boss Bea.
Agad naman akong naligo at nagbihis ng semi-formal attire. I checked myself in the mirror.
Ibang-iba na ako ngayon compared to my old self 5 years ago. Ang bilis ng takbo ng oras.. Yung mga teammates ko? Kamusta na kaya?
Umiyak kaya sila nung natalo sila? Galit kaya sila sa akin? Makukulit pa rin kaya sila? Sila Ponggay at Mads, nagkatuluyan ba? Makulit pa rin ba ang mga baby rookies namin? Mahal pa kaya ako ni Bea?
Hindi ko namalayang may luha na pala na tumakas sa aking mga mata. Agad ko naman itong pinunasan.
Ngumiti ako at tiningnan ulit ang aking repleksyon sa huling pagkakataon bago ako bumaba.
"Aba anak! Ayos na ayos ka ah?" nakangiting-aso na tanong ni mama.
"Malamang ma! First day ko eh. Sige na baka malate na ako." sagot ko at hinalikan siya sa noo.
Lumabas na ako at pinatunog ang aking sasakyan. Hindi pa rin ako makapaniwalang gagamitin ko ito papuntang trabaho.. ang bilis talaga ng panahon.
Pumasok na ako at agad na nag-scroll sa aking playlist. Nilagay ko ito sa shuffle.
Pinaharurot ko na ang aking sasakyan. Habang nagd-drive ay hindi ko maiwasang mapaisip.
Ano kaya ang first impression nila sakin? Magugustuhan kaya nila ako?
Agad naman akong napatigil sa pag-iisip nang bigla kong nakita ang isang napakalaking building. Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.
Pinarada ko na ang aking sasakyan sa may parking lot at agad ng bumaba.
Nakaka-intimidate yung mga tao dito. They're all wearing formal attire! Naglalakad ako ng nakayuko. May iilang tao na ningitian ako, yung iba naman nakatitig lang. Sa paglakad-lakad ko ay may nabangga ako. Ayan Jhoanna! Tatanga-tanga kasi!
Agad ko namang inangat ang aking tingin at napagtantong si Bea pala ito! Naghuhuramentado ang puso ko ngayon dahil sa kaba? sa kilig? sa kahihiyan?
Tinaasan lang niya ako ng kilay at bigla naman akong napaatras. Shit Bea! Ba't ganito pa rin yung epekto mo sakin?
"A-Ah sorry Bei." nauutal kong sabi.
Tangina ba't siya pa kasi yung nabunggo ko!? Pwede namang yung mga empleyado lang dito. Shet!
"Bei nalang ngayon?" hindi ko ma-recognize ang tono nito.
Ano ba kasi dapat!?
"A-ah ano b-ba dapat? B-beh? B-baby? B-babe?" nahihiya kong tanong.
Bigla naman siyang ngumisi ng nakakaloko.
"What are you saying? We're not kids anymore, Jhoana. Call me ma'am." aniyang hindi pa rin tinatanggal ang ngisi sa kanyang mukha.
Puta! Lupa pwede mo na po akong lamunin! Please hindi ako aangal.
Bigla ko nalang naramdaman na umiinit ang aking mukha. Ang pula na siguro ng mukha ko ngayon! Bullshit talaga.
"O-okay." iyan nalang ang naging sagot ko.
Ang akala ko ay iiwan na niya ako sa kahihiyan ngunit nang malagpasan niya ako ay bigla niyang hinila ang aking kamay. Namilog ang aking mga mata at umayos ng lakad.
BINABASA MO ANG
If I Lose Myself (COMPLETED)
FanfictionAll we need is someone that we can share our feelings with and make us believe that love has no boundaries. Will they continue to what they believe is real despite of the people around them? Will they give up their love for the sake of the bettermen...