Chapter 19

11.7K 214 2
                                    

Interchanged Closets



Jho's POV

"Babe, hey! Nakikinig ka ba? You're spacing out again!" iritadong sabi Marci.

Tama nga siya, I'm spacing out. Lagi nalang akong ganito.

"Yes Marci. Sorry medyo pagod lang talaga" pag-rason ko.

"Ah, ganon? Marci nalang nagyon? Ano ba talaga ang problema mo?!"

Medyo napalakas na yung boses niya. Di ko naman siya masisisi kung naiinis na siya sakin. It's been 2 weeks pa lang since naging mag on kami. Tapos ngayon binibigyan ko pa siya ng sakit sa ulo. I really like Marci.. pero ewan ko kung anong klaseng like 'yon.

"Wala. Babawi ako sayo babe. Punta kaya tayo ng arcade?" nakangiting sabi ko.

"Buti pa nga."

Pumasok kami ng arcade nang magka-hawak kamay. Pinagtitinginan kami ng mga tao. 

"I'll pay. Gusto mo bang maglaro ng Basketball?" tanong ni Marci.

Tumango nalang ako. Wala akong gana. Wala ako sa mood para maglaro. Kung bakit ko dinala dito si Marci? Ewan ko rin... pinipilit ko lang ata yung sarili ko?

Putek hindi ko maishoot yung mga bola. Nakakahiya! Basketball player pa naman yung kasama ko. Magaling naman ako dito ah? Ano bang nangyayari sa akin?

"Uy Marci! Sinong kasama mo?" tanong ng boses sa likod ko.

Shit. Shit.

"Uy ikaw pala Mads! Si Jho.. nag-date kami." nakangiting sagot ni Marci.

Pagkatapos kong maglaro, dinaluhan ko silang dalawa. Binati ko naman si Maddie.. hindi rin naman ako bitter no? Bakit nga ba ako magiging bitter? Jho, bakit nga ba?

Pero teka, ba't mag-isa to? Nasan yung "babe" niya?

"May hinahanap ka Jho?" sabi niya at nagniting-aso.

Konti nalang talaga, Madayag!

"Wala naman akong sinabi."

"Actions speak louder than words. Kanina pa naglalakbay yung mga mata mo here sa arcade, girl."

Nakakainis! Ba't ko ba pinapatulan to? Badtrip!

"Uy babe! Ba't mo naman ako iniwan?" hingal na hingal na sabi ng babaeng nasa likuran niya.

Sabi ko na, e! Di talaga mapaghiwalay tong dalawang to. Sige dyan ka na sa bago mong bestfriend.

Punyeta.

"Uy Bei, date rin kayo ni Maddie?" inosenteng tanong ni Marci atsaka hinawakan yung kamay ko.

Tiningnan naman yun ni Bea... dahilan kung bakit ko hinigpitan yung hawak sa kamay ni Marci. Nakakunot yung noo niya habang tinitingnan ako pero ngiti lamang ang pinakita ko sakanya.

"Ahh oo. Napadaan lang kami dito. Pupunta na rin kami maya-maya sa BEG para mag training" nakangiting sagot ni Maddie. "Ano, Jho? Sama ka?" tanong niya.

"Ah hindi na siguro. Ayokong makaistorbo."

"Ngayon ka pa nahiya? Go with us para less hassle." seryosong sabi ni Bea.

Tiningnan ko naman si Marci for approval. Ngumiti lang siya.

"So ano na? I'll leave you girls here?" paalam ni Marci. "Babe, tawagan mo nalang ako pag nakarating ka na dun. I love you." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon