Chapter 21

13.3K 233 7
                                    

Malinaw



Jho's POV

"Hi anak!" bungad sakin ni Tita Det.

Stunning as ever. Dito kaya nagmana si beh ko? O baka kay tito Elmer? Pogi rin yun eh. Gandang pogi kasi kainis.

Close na close talaga ako sa pamilya ni beadel. Tinuturing na rin nila ako bilang anak nila. Kung ano yung binibili kay Bea, ay dapat meron rin ako. O diba perfect match na yung dating? Charing lang!

"Hello tita! I missed you po." nakangiting sagot ko sakanya at niyakap siya.

"Ang sweet sweet talaga nitong anak ko. Tara kain na tayo"

Pumunta kaming lahat sa dining table ngunit wala pa si Beatriz. Nasan ba kasi 'yon?!

"Isabel! Wag mong pinaghihintay yung pagkain ah! Isa! Go down here now!" sigaw ni Tita Det.

Natakot naman si me kaya medyo nanginig lola niyo. Ningitian lang ako ni Tita Det at nag mouth ng 'sorry'. Nag bihis pa ata.. antagal naman!

At nakita ko siyang bumaba.. nakasabit yung shirt nya sa leeg nya at naka-spandex lang. Klarong-klaro yung sports bra niya. Putek my virgin eyes! Huhu.

"Hoy beh! Wala ka bang balak na isuot yang t-shirt mo?!" inis kong sabi.

Ningitian niya lang ako at umiling. Pasaway talaga tong batang to!

"Tita Det oh! Ayaw pong isuot ni Isabel yung t-shirt niya. Concerned lang naman po ako kasi kaibigan niya p-" naputol yung sasabihin ko dahil tinakpan niya yung bibig ko.

Naramdaman ko naman yung abs niya sa likuran ko. Tangina naman Bea, magbihis ka na nga!

"You're like mom talaga. Alright, susuotin ko na po, prinsesa." inis na sabi ni Bea pero halatang natatawa.

Tiningnan ko naman si Tito Elmer at Tita Det na ngayo'y nakatingin lang sa aming dalawa. Di ko mabasa yung expression ng mga mukha nila.

"Oh sya, Isabel. After you guys eat go upstairs and i-tutor mo na yang si Jho. Dito ka ba matutulog iha?" tanong ni Tita Det.

"Ah, yes po.. kung okay lang sa inyo"

"Kelan ba naging hindi iha? Isabel you let her borrow your clothes ha?" may pagbabanta sa tono ni Tita.

Napa-roll naman ng eyes si Bea... hala sya oh kala mo babae eh!

"Alright alright. I know what to do. Iwan na namin kayo dyan bye." paalam ni Bea at hinila na ako papunta sa taas.

Ambango parin talaga ng room niya. My favorite scent. Tumalon naman ako sa bed niya atsaka humiga.

"Kala ko tutor? You wanna sleep instead?" pabirong sabi ni Bea dahilan kung bakit napa-upo ako

"Sungit mo suitor... este tutor! Sabi ko nga magsisimula na us"

"Nahahawa ka na rin ha?," aniya at nagngiting-aso. "Alright, san tayo magsisimula?" tanong niya at tumabi na rin sakin sa pag-upo.

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon