Chapter 5

15.1K 310 4
                                    

Trip

"Beatriz!" sigaw niya.

Ugh it's only 5:00 in the morning!

"Isabel gumising ka na dyan! Wag mong hintayin ni si Ate Ly ang pupunta rito ha. Isa!" Tss, Jhoana.

Ang cute niya. Pero syempre di muna ako nagpadala. Nakapikit parin ako.

"Bea? uyyyyy" she's shaking me now.

Tinatapik niya na both cheeks ko. Medyo masakit pero okay lang. Damn, volleyball players.

"Beeeeh? Gising na pleaseeee. Pretty pleaaaase" pagpapacute niya.

Di ko natiis. I grabbed her wrist tapos pinatabi ko sakin.

She's lying on my shoulder. Niyakap na rin niya ako.

"Hmmm 5 minutes beh" bulong ko.

Sana gumana. Fingers crossed.

"Nako beh lagot ka talaga sakin mamaya! Osge 5 minutes! Pasalamat ka mahal kita tss"

Ayun! Pero ano raw? Mahal agad?

"Grabe ka naman beh. Inlove ka agad sakin niyan? Shy type ako beh strict parents ko" pabiro ko namang sabi sakanya.

"Syempre mahal kita bilang kaibigan, teammate, ganun." aniya.

She's so cute when she gets so defensive.

"Defensive lang beh? Okay lang yan" sabi ko habang kinukurot yung ilong niya.

Ang cute talaga! Kainis.

"O sya sya, your 5 minutes is up De Leon! Time to be productive! Go!" sabi niya habang kumakalas sa yakap.

Ang bilis naman nun. Wala akong choice kundi sundin siya baka mapatay pa kaming dalawa.

"Yes ma'am!" sabi ko habang naka salute pa.

Umiiling siya habang tinitingnan ako papuntang C.R.

Sira talaga.

"Beh, baba lang ako ha. Sasabihan ko lang si Ate Ly na gising ka na." paalam niya.

"Okay!" I shouted from the C.R.

Bumaba na rin ako pagkatapos ng ilang minuto.

Jhoanna's POV

"Ate Ly, bababa na po maya-maya si Beh, naliligo na po." I told her.

Nag favor kasi sakin si Ate Ly na ako na raw yung gigising sakanya araw-araw kasi may pagka tulog mantika talaga yung si De Leon.

Give up na raw talaga siya sa babaeng yun.

"Ano yun baby Jho? Beh? Wow level up!" pang-asar niya.

Tumawa nalang ako baka malagyan pa ng malisya.

Andito na kaming lahat sa table pero wala pa rin si Bea. Antagal namang maligo!

So ang ginawa ko ay pumunta muna ako sa counter para kumuha ng glasses. Di pa pala nakapag-set ng glasses si Ate Ly.

Ngunit muntik ko nang mabitawan yung baso ng may biglang yumakap galing sa likuran ko.

Bea.

Pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Good morning beh" bulong niya.

Her voice sent down shivers to my spine.

Buti na lang talaga medyo tago itong counter.

"Good morning rin beh. Upo ka na dun kuha lang ako ng mga baso." bati ko rin pabalik.

"Tulungan na kita" aniya.

"Okay sige. Bitbitin mo nalang yung pitcher, ako na nitong tray"

Nang papalapit na kami sa dining table, natahimik naman sila at tumingin sa amin.

Yung smirk ni Deanna, what do you mean by that huh?

Napaubo naman si Maddie.

Ate Amy and Jia's eyebrows were moving up and down.

Kainis! Mga loko-loko talaga tong mga to.

"Nice one Ate Bea! Blooming natin ngayon ah?" pang-asar ni Ria.

"Lagi naman akong blooming ah? Di niyo lang napapansin. Palibhasa iba yung napapansin mo, si ano.." pabiro naman niyang sagot.

"Nako joke lang oo nga lagi ka ngang blooming! Hi crush pa picture naman!"

Grabe naman tong si Ria. Takot lang mabulgar ang lovelife?

Napaubo naman ako.

"Sige fan, maya nalang busy pa 'ko eh." pang-asar niya ulit.

"Ay sorry di na pala kita crush baka magselos si beh. Napaubo eh!" natatawa niya pang sabi.

Beh? Pano nila nalaman? Ate Ly talaga!!!!!

"Ah.. wala namang dapat ikaselos diba?" awkward ko nalang sabi tsaka umupo na.

Sumunod naman si Bea.

"Cool huh! Beh? Hmmm" pang-asar ni Pam.

Binalewala ko nalang mga pang-aasar nila baka sumobra eh.

"Ay oo nga pala girls, gather tayo sa sala ah may sasabihin ako mamaya. Exciting to!" masayang sabi niya.

Ang cute ni Ate Ly parang pusa.

Natapos na rin kaming kumain at dumiretso na sa sala.

"Girls guess what? Cancelled ang practice today!" maligaya niyang bati habang pumapalakpak pa.

Cancelled? Sayang naman! Nagising pa ako ng maaga tapos masasayang lang pala yung effort ko? Ang rami niyong paasa.. joke!

"Tara movie mara?" Gizelle suggested.

"Di ako pwede Gi. May lakad ako eh. Kukunin ko pa card ko. Paenroll muna ako." nabigla naman kaming lahat sa sinabi ni Bea.

Bakit di niya sinabi sakin? Tss.

Feeling girlfriend na naman ako! Nako Jho tigil tigilan mo na yan ha!

"Oh beh? Tara na? Diba sasamahan mo pa 'ko?" pacute niyang sabi.

Ba't ba to nagpapacute? Ang raming tao! Di ba to nahihiya?

"Ay nako beh! Yun na pala yun beh!" pang-asar ni Ate Ly.

"Ay oo nga beh! Tama sasamahan pa nga pala kita!" sagot naman pabalik ni Ate Amy.

Leche ka talaga De Leon!!!!

"A-ah a-anong sasamah-" di ko na natapos dahil bigla nyang tinakpan yung bibig ko at inakbayan ako.

Anyare oy?

"Okay girls mauna na kami sasamahan pa ako ng beh ko! Goodbye world!" paalam niya habang kinakaladkad ako papunta sa taas.

Puro mga 'ayyiee' at 'go de leon!' na lang ang mga narinig ko.

Nanandya ba to si Bea?! Pinagtitripan na naman ba ako nito?

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon