Chapter 38

13.1K 276 17
                                    

Confession


Pagkatapos ng naging emotional scene namin ng beh ko sa labas, ay magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob.

"Oh Bea! Buti andito ka!" natatawang sabi ni Tita Lovel.

Naks! Best actress talaga tong si Tita.

"Nga eh! Na miss ko kasi si Ja!" sagot ko at tiningnan si Ja. "Uy Hi Ja! I miss you!" ani ko sabay apir kay Ja.

Napatawa naman si Tita Lovel at Janel sa ginawa ko. Bigla naman akong napasigaw sa sakit nang siniko ako ng katabi ko. Amp! Ang selosa ng bay girl ko anuna.

"Aray ko! Ba't mo ko siniko?" natatawang sabi ko.

"Eh ikaw kasi eh! Kababati lang natin tapos nanlalandi ka na naman sa iba! Ang unfair ng Beadel ko." sabi niya habang nakahalukipkip at nakasimangot.

Ang Jhosa pa rin kahit nagseselos! I'm more turned on baby everytime you own me.

"Grabe ka naman baby girl. Kapatid mo yan oh! Ba't ka nagseselos sa kanya? Alam mo namang ikaw lang laman nito diba? Ikaw pa rin ang laman nito." sabay turo sa puso.

Umiwas naman siya ng tingin at hinigpitan ang hawak ng aking kamay. Hala siya! Kinikilig!

Umubo naman ng mahina si Tita Lovel at Janel dahilan para mapatingin kaming pareho sa kanila.

"Excuse me lang andito pa kami ah?" natatawang sabi ni Tita Lovel.

"Pauwiin mo na kasi si Dad, Ma! Para naman lam mo na!"

"Hoy Jho! Hindi kita pinalaking ganyan ha. Ang dumi ng utak mo! Janel ba't ba ganyan ang ate mo?"

"Aba malay ko ma. Diyan na nga kayo, mag a-ask.fm muna ako!" sagot ni Ja at tumungo na sa kwarto niya.

"Hala siya! Pauwiin mo na para lam na... Pasalubong diba! Ano bang iniisip mo ma? Ikaw ata yung may maduming utak eh!" tumatawang sabi ni Jho.

Si Tita Lovel? Ayun namula ng sobra! Parang si Jho lang kanina eh. Ang cute ng mag-ina.

"Ay ewan ko sa'yong bata ka! Makaalis na nga dito baka masumbong pa kita sa tatay mo!" sabi ni Tita at nagmartsa papuntang kwarto niya.

"Go lang motherbells! Alam na ni dad though. Anuna? Talo ka na naman?!" sabi ni Jho at tumawa ng mahina.

Umiling nalang si Tita Lovel sa kabaliwan ng kanyang anak.

Kaming dalawa nalang pala yung naiwan dito sa sala. Kanya-kanya nang pumasok ang mga Maraguinot sa kani-kanilang mga kwarto.. Kelan kaya ako dadalhin ni Jho sa kanya? Shit. Bea tigilan mo yang kahibangan mo.

Nang tingnan ko si Jho, ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Nababasa niya ba ang naiisip ko? Oh no.

"What?" pa inosente kong tanong.

"What what ka diyan. Watwatin ko yang mukha mo eh! Tara nga sa kwarto!" aniya sabay hila sakin papunta ng kanyang kwarto.

Napailing nalang ako at ngumiti sa kanyang ginawa. I love it how she affects me even in the simplest ways.

As I entered her room, bumungad sa akin ang isang painting at agad ko itong nilapitan.

Namangha ako sa nakita ko. It was perfect and huge! I loved how perfect the moment was. Ang galing! Naiiyak ako habang tinititigan ito.

"Bigay ng fan while I was in U.S." sabi niya sabay yakap sakin galing sa likuran.

Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay na nakayakap sa aking bewang.

"Ang ganda babe."

"Sino ba? Ako o yung painting?"

Pinipigilan kong ngumiti. Mahirap na.

"Ang hirap pumili. Si Ja nalang beh."

Bigla naman siyang napabitaw sa yakap at sinuntok ng mahina ang aking braso.

"Yan ka na naman eh! Sige, boto ako sa'yo para kay Ja. Dun ka na sa kanya ah?" sabi niya at umupo na sa kama.

Napailing nalang ako. Ang selosa naman talaga ng aking prinsesa. Pati ba naman daw painting? Grabe na bebe pero mahal na mahal pa rin kita.

Tumabi naman ako sa kanya at hinarap siya ng bahagya sa akin.

"Wag mong ikumpara ang sarili mo sa isang painting, baby. 'Coz you are way more than a masterpiece.." seryosong sabi ko sa kanya.

Bigla namang tumulo ang kanyang luha at agad akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. She's so emotional.. but I love it so much.

"What? May nasabi na naman ba ako?" nagtatakang-tanong ko.

She just shook her head while still hugging me.

"Why are you crying, though? You're just happy?"

"Oo, Bea. Sobra. Di ko aakalain na kahit ang sakit ng ginawa ko sa'yo ay ako pa rin yung pinili mo. Ang saya ko dahil kahit na tinutulak mo ako palayo noon, ay ako pa rin ang inuwian mo ngayon. Sa limang taon na nasa U.S ako ay alam mo bang ikaw lang at ang kapakanan ng relasyon natin ang naiisip ko?" tuloy-tuloy niyang sabi.

Bigla naman akong napabitaw sa yakap ng narinig ang kanyang huling sinabi.

Para sa kapakanan ng aming relasyon.

"W-what? Anong k-kapakanan yan?" nakakunot-noo kong tanong.

Pumikit muna siya at humugot ng malalim na hininga bago ito ulit nagsalita.

"Oo para sa kapakanan ng ating relasyon. Kaya ako umalis.. kaya kita iniwan. Iniwan kita ng limang taon para maging boto na si mama sa ating relasyon. Ang gagong rason diba? Sorry kung naging mahina ako, Bea. Sorry talaga dahil wala na akong naisip na ibang dahilan. Sorry dahil hindi man lang kitang ipaglaban. Sorry dahil wala akong kwen-"

Niyakap ko siya. I can't afford seeing her cry like that! Alam kong naging mahirap rin para sa kanya yun. Nagsakripisyo siya para sa aming dalawa tapos tinutulak ko lang siya palayo noon? Dammit Bea! Stupid ka!

"Sshh baby... You don't need to be sorry. Sshh..."

Hindi ko na ring naiwasang mapaiyak. Kung alam ko lang Jho.. kung alam ko lang.

Bumitiw na ako sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Wag na nating balikan ang nakaraan okay? Ang importante ay magkasama na ulit tayo ngayon. I'm sorry for pushing you away before, baby. I'm really sorry. Kung alam ko lang..."

"Hindi Bea. Nagpapasalamat nga ako sa'yo eh. Buti nalang at tinulak mo ako palayo dahil mas tumibay yung pagmamahal ko sa'yo." sabi niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

Oh my god. Kinikilig talaga ako sa babaeng 'to! Lord, mahal na mahal ko po talaga si Jhoana. Salamat po at binigay niyo siya sa akin. Wala na po akong ibang mahihiling kundi siya lang talaga.

"Mga anak! Kumain na tayo! Lumabas na kayo diyan! Alam niyo namang ayaw kong pinaghihintay ang pagkain diba?" rinig naming sigaw ni Tita Lovel.

Napatawa naman kami ni Jho sa nangyari. Ang awkward nun? Panira ng moment si Tita eh.

"Pero Jho, alam mo bang may na-realize akong isang bagay ngayon lang?"

"Ano Bei?"

"Ang pangit mo pala umiyak!" tumatawang sabi ko sabay kumaripas ng takbo papuntang kusina.

"Bea!!!!!!!"

Napatawa na lang ako dahil alam kong napikon siya dahil sa sinabi ko. Sus, wala yun. Mahal naman ako nun eh ;)

If I Lose Myself (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon