Chapter 5: It started with a...

954 14 2
                                    

Chapter 5: It started with a...

First day of exams namin ngayon at nangamote talaga ako sa Math.

Buti na lang talaga andyan si Matt. Makikinabang din pala ko sa kanya. Hahaha! Ang galing niya sa Math ha, in fairness.

Luckily, nakaraos naman. Bukas patayan naman sa History kasi andaming memorizations eh.

“Hoy Lei! Bakit bigla ka nanamang nawala? Andyan Mommy mo ah.”

Si Riz and Matt magkasama galing sa baba.

And What??? Si Mommy andito sa school?

“Ah, pinuntahann ko lang sila Abby sa kabilang room. Nasan si Mommy?” Nagtaka to the max talaga ko at si Matt ngumiti lang, then nag-excuse papasok sa classroom. Nandito lang kasi kami sa corridor eh.

“Oo. Mukhang papunta ng principal’s office. Gulat nga ko eh kasi nung nakasalubong naming siya ni Matt binati niya ko at pati na rin si Matt. Since when did she knew Matt, aber? Ang ganda pa ng ngiti nila sa isa’t-isa ah.”

Haha! Oo nga pala. Hindi alam ni Riz.

“DKP. Ang tanda na ni Mommy noh. Like, EEW. Wag ka nga mang-asar ng ganyan.”

“Oo na. Pero pano nga niya nakilala si Matt?”

Then what happened last Saturday flashes back in my mind.

“Kasi ganito yun, nung Saturday diba hinatid ako ni Matt sa bahay? Eh sakto kakarating lang din ni Mommy nun. Di ko naman inaasahan na papapasukin niya si Matt at yayayaing mag-dinner. Kaya ayun,nakilala niya. Akala ko nga iintrigahin nanaman ako ni Mommy kasi gabi na tapos lalaki pa kasama ko, pero ewan. Mukhang tuwang-tuwa pa siya kay Matt nun eh.”

“Wow ha. Ang swerte naman ni Matt kung magiging boyfriend mo siya.”

>,< NO WAY!

Kung alam lang ni Riz na may GF yun eh. Kaso nakiusap si Matt na what I knew about Candice will be just between the two of us. In short, secret.

Naalala ko tuloy nung gabing din yun pag-alis niya. Nagmadali ako sa kwarto ko para mag-FB. Sinearch ko kasi si Candice sa FB ni Matt eh. Well, kahit hindi ko alam surname ni Candice, siya lang naman ang Candice sa FB ni Matt eh. Besides, yung DP ni Candice ay pic nila ni Matt. Obvious na obvious noh, kahit hindi sila naka-in a relationship. Tapos may iba pa akong nakita. I just don’t wanna talk about it.

Haha! I definitely look like a stalker.

Pero ganito naman talaga ko sa mga kaibigan ko eh. Nung una nga kay Riz hinanap ko din sa FB yung BF niya. Why? Kasi I would like to compare him to my boyfriend. Haha!

Dati yun nung may boyfriend pa ko.

Ngayon wala na eh. At parang wala na rin akong balak na magkaroon pa.

Ay shet, ayoko ng maalala yun. Let’s just go back to Candice.

Candice Washington. Sixteen. Two years girlfriend ni Matt and they’re going strong even in a long distance relationship. Blonde goddess siya, SWEAR. Ang GANDA, POTA.

HAHAHA! Ang swerte naman ni Matt naka-jackpot ng American.

For sure maiinggit classmates namin sa kanya kapag nalaman na ganun kaganda girlfriend niya. Chix na chix eh. Haha!

Tinignan ko pa yung ibang pictures nila at talagang ang sweet nila. Later on, may nakita akong group picture. Madami sila eh. Pero there is this one person that suddenly caught my attention.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon