Chapter 3 Cat and mouse

918 16 0
                                    


"Rizalyn Molina! Please naman oh pagbigyan mo na ako. MInsan lang naman ako humingi ng favor sayo di ba?"

"At kelan mo pa ko tinawag sa whole name ko, aber? Andy, pag sinabi kong ayoko, AYOKO, okay?"

At pag tinatawag niya akong Andy, seryoso siya. Well ako naman naiinis na kakasunod sa kanya para lang mapapayag siya na tanggapin na si Georgie sa Glee Club.

"Riz! Teka lang! Bakit mo ko tinatakbuhan? Hoy! Hindi mo na ba ko sasamahan mag-bihis?"

Kakatapos lang kasi ng P.E namin.

"Ako na lang, Lei. Sasamahan kita." Si Paul nangungulit sa likod ko at nagtawanan pa yung ibang boys na kasama niya.

"Gago manigas ka diyan." Sagot ko at tumakbo na rin ako papunta kay Riz.. Buti na lang talaga naka-P.E unifrom pa kami.

"Riz," Tinawag ko siya at huminto siya bigla sa pagtakbo kaya nabangga ko yung likod niya.

Pag-harap niya, "Bakit ba kasi biglang bumait ka dun? Hindi ba ayawnatin sa kanya? Tsaka first and foremost wala siyang talent."

Tapos naglakad na kamiulit habang nagsasalita pa ko, "Pero, wala namang mawawala kung isasali natin siya diba?"

"Ang kulit mo teh. Alam mo yung talent??? T-A-L-E-N-T. May ganun tayo at siya wala, okay?"

"Hay naku. Ang damot mo talaga, Riz."

"So naging madamot ako dahil lang sa babaeng yun?" Yamot na yamot na siya.

Iniwan niya na ko. :(

 Pfffftttt! >,<

Badtrip talaga.

Minsan lang naman humingi ng favor sakin si Ace hindi ko pa magawa. Pano na yan ayoko pa namang madisappoint siya.

Sabi niya kasi sakin nung isang araw, tulungan ko daw siya na makapasok si Georgie sa Glee Club. Hinid niya daw kasi alam kung kanino hihingi ng tulong kaya sakin siya lumapit. Si Georgie daw kasi laging nakadepende sa kanya simula nung nasa kindergarthen pa lang sila kaya hindi niya maiwasan na tanggihan ang mga gustong makuha ni Georgie at ayaw niyang makitang nalulungkot ito. Pero sabi niya parang napapagod na daw siya na lagi na lang ganun. Laging umaasa sa kanya si Georgie na halos pagkamalan na silang mag-on kaya naisip niya na baka pag natupad na ang gusto ni Georgie eh pwede na siyang humingi ng favor sa kanya na maghiwalay na sila as friends. Umiiwas na daw si Ace kay Georgie kaya twing uwian mas gusto niya daw na ako na lang ang ihatid.

Hay. ano nang gagawin ko ngayon?

Si Riz pa naman talagang hindi mo pwedeng pilitin. Siya kasi yung klase ng tao na kung sinabi niya, sinabi niya. Woman of substance siya.

Pero ako ang woman of steel.

Haha! Hindi ako susuko. Alam ko naman na mahal ako ni Riz bilang best friend niya kaya hindi niya ko matitiis. Pero sana wag naman na niyang patagalin kasi nakakahiya na kay Ace. Ilang araw niya na kasi akong kinukulit tungkol dito eh.

"Leighton!"

Sh*t! Si Ace ba yan?

Oh My God. Ano na lang sasabihin ko? Malulungkot na naman siya.

Paglingon ko....

^_^

Whew. Si Matt lang pala.

Eto pwede akong maglabas ng problema dito. Kaya nag-pout ako.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon