Chapter 21 Kiss me

682 11 0
                                    

Chapter 21 Kiss Me

"Ano bang nangyayari dito? Bakit kayo nag-aaway?" I shouted at them, brushing through the crowd at una kong nilapitan si Ace. May sugat at pasa siya sa pisngi at si Matt naman pulang-pula sa galit at akma pang sasapakin ulit si Ace.

"Si Matt bigla na lang sinuntok si Ace habang nag-uusap sila."

Lumingon ako kay Georgie na nasa likod ni Ace at mukhang takot na takot siya. Nasaksihan niya nga ang pangyayari. So ibig sabihin magkasama sila ni Ace?

No. Hindi dapat ako mag-isip ng ganun. Inuna ko na yung inis ko kay Matt kasi naawa talaga ko sa hitsura ni Ace.

"Ano bang problema mo Matt?! Bakit bigla ka na lang nanununtok?!"

I realized na ngayon ko lang nasigawan at nasamaan ng tingin si Matt. Medyo na-guilty ako lalo na nung nag-soften yung features niya at kumawala siya kay Ric na umaawat sa kanya.

Tinitigan niya ko ng ilang segundo, then he said, "I don't need to explain anything. At hindi ko pinagsisisihan 'tong ginawa ko."

Nagulat ako sa sinabi niya at parang feeling ko nag-init ako. Siguro dahil halos lahat ata ng classmates namin ay nandito na sa paligid. Pero naiinis talaga ko kay Matt.

"Ang taas talaga ng pride mo Matt. Alam mo yan ang pinaka-ayaw ko sa'yo eh. At sa lahat ng pwede mong saktan o pagbuntungan ng bastos mong ugali, si Ace pa...yung boyfriend ko! Wala kang kwentang kaibigan."

"Lei, tama na yan."

"Mag-sorry ka na lang Matt."

Hindi ko na makilala yung mga nagsasalita dahil feeling ko nandidilim na yung paningin ko kay Matt. Hindi ko siya maintindihan. At sa pagtitig ko sa kanya lalo lang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Parang nawala lahat ng pinagsamahan namin as friends. Hindi ko na naiisip yun. Dahil galit na galit ako.

He let out a smug exhale and he grins, "Bakit naman ako mag-sosorry? Wala akong ginawang masama. Bagay lang kay Ace yan."

I clenched my teeth at that."How dare you!" Sakin pa siya nakatingin with that devilish smile? Huh. Lumalabas na yung ugali niyang pangit. Nakakapanggigil na talaga. "Tandaan mo 'to, Matt. Pinagsisisihan ko nang naging magkaibigan pa tayo."

Then I turned my back, grabbing Ace's hand and walked away.

Wala akong pinagsisisihan kahit isa sa sinabi ko kay Matt. Sino ba siya para maging importante sakin at balikan ko dun para mag-sorry? Ngayong taon ko lang naman siya nakilala at yung akala kong Matt na kilala ko na, ay hindi pa talaga siya. Ganyan pala siya kasama. Sana hindi na kami naging magkaibigan. Pinagsisisihan ko na lahat ng pinagsamahan namin...pinagsisisihan ko na masyado akong nagtiwala sa kanya...at pinagsisisihan ko na nakilala ko pa siya. Sana umalis na lang siya dito. Sana bumalik na siya sa states. Hindi ko na siya pipigilan kung sakaling mangyayari yun. Ipagtutulakan ko pa siya dun. Magsama sila ni Kiel...na patuloy niya pa rin pinapaalala sakin para makalimutan ko si Ace. Yun lang pala ang sagot kung bakit pinagtutulakan niya pa rin ako kay Kiel. Dahil ayaw niya kay Ace.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon