Chapter 22 See the picture?

667 9 0
                                    

Chapter 22

Saktong hating gabi ako sumakay ng bus papuntang Manila. Syempre hindi ko alam kung saan ang sakayan kung hindi ako magpapatulong kay Mary. Ayaw pa nga niya akong tulungan pero nasakin na yun kung paano ko siya napilit.

Dumating ako sa Manila mga around 4am at pilit ko pa rin kinakalimutan yung mga narinig ko kina Matt at Riz.

Buong magdamag din na naka-off yung phone ko para makaiwas sa kahit anong tawag o text. Pati nga parents ko hindi ko na na-text na uuwi ako today. Siguro isusurprise ko na lang sila. Pero kung ganito ang hitsura ko, namamaga ang mata dahil sa puyat at kakaiyak habang nasa bus, malamang magtataka yung mga yun.

Tumambay muna ko sa bus station habang hinihintay na mag-load yung mga text messages at tawag sa phone ko. Hindi para iyakan na naman ang mga nangyari. Tapos na ko sa ganyang dramahan. At sa sobrang hilo ko at gutom ayoko nang dagdagan ang sakit ng ulo ko. Siguro pag nakita ko na yung pamilya ko mawawala na rin 'to. Christmas Eve na rin naman kasi mamaya eh.

Grabe more than one hundred messages. Karamihan galing kay Riz, Ric, Ace at Matt.

Ang binasa ko lang ang yung galing kina Riz at yung konti sa Mommy ko. I skipped Matt and Ace's text messages. Hindi ko pa kayang basahin ang mga yun ngayon. Mamaya na siguro. O bukas pagkatapos ng Christmas Eve. Ayoko kasing masira ang pasko ko eh. I still need space for what had happened. Si Riz alalang-alala sakin. Pinuntahan pa pala nila ako sa bus station pero hindi daw nila ako nakita. Si Mommy naman puro good night and sweet messages lang. Tapos si Daddy meron din pa lang text. Haha. Sweet pero may pagbabantang kasama. Hindi kasi nila alam na may boyfriend ako.

Habang nagkakape, pinag-isipan ko kung tatawagan ko ba sila Mommy para mag-pasundo dito. Mauubos na kasi ang pera ko sa pamasahe. Sapat pa naman at may sobra pa akong pera. Pero balak ko kasi silang i-treat mamayang gabi o mag-contribute man lang sa handaan namin. Tsaka yung promise ko palang Christmas gift kina Lyka at Liam hindi ko pa nabibili.

Haha! Napangiti tuloy akong mag-isa.

Hm...May bukas na kayang bilihan ngayon?

Parang wala pa naman eh. Puro kainan lang at kung anu-ano. Hindi na rin ako nakabili ng pasalubong para sa kanila. Baka lalo nilang mahalata na nag-layas ako. Magagalit si Mommy kung malalaman niya yun. Lalo na kung malalaman niyang mag-isa lang akong lumuwas at wala akong kasama kahit sino. Tsk. Paskong-pasko baka mabadtrip sakin yun pati yung tatay ko.

'Wag na kaya muna akong umuwi? Kaso inaantok na talaga ako tsaka wala namang mapag-tambayan dito. Baka mas lalo pang may mangyaring masama sakin dito.

Hmm...Isip isip...

Ah! Alam ko na!

Mag-aalmusal na muna ko sa McDo at bibili ng mga pasalubong na kakanin, puto etc. Kahit hindi ako marunong mamili ng mga ganun. Haha.

Pero habang kumakain hindi ko maiwasang isipin si Ace. At mas lalo akong na-guiguilty kay Matt to think na pinuntahan pa talaga nila ko sa bus station at idea niya daw yun.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon