Chapter 9 ON

800 16 9
                                    

Chapter 9 ON

Di ko man maamin 
Ikaw ay mahalaga sa akin 
Di ko man maisip 
Sa pagtulog ikaw ang panaginip 
Malabo man ang aking pag-iisip 
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin 

Ako'y alipin mo kahit hindi batid 
Aaminin ko minsan ako'y manhid 
Sana ay iyong nariring 
Sayong yakap ako'y nasasabik... 

Ayoko sa iba 
Sayo ako ay hindi magsasawa 
Ano man ang iyong sabihin 
Umasa ka ito ay diringgin 
Madalas man na parang aso't pusa 
Giliw sa piling mo ako ay masaya 

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid 
Sana ay iyong nariring 
Sayong yakap ako'y nasasabik... 

Pilit mang abutin ang mga tala 
Basta't sa akin wag kang mawawala 

Ako'y alipin mo kahit hindi batid 
Aaminin ko minsan ako'y manhid 
Sana ay iyong naririnig 
Sayong yakap ako'y nasasabik 
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi 
Malamig man o mainit ang gabi 
Nais ko sana iparating na ikaw lamang 
Ang siyang aking iibigin

♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫

Naririnig ko pa yung boses ni James hanggang ditto sa Canteen. Ang lakas talaga ng sound system, narinig ko yung nakakahiyang sinabi ni Tristan. Actually, hindi naman talaga nakakahiya. Binati lang naman niya ko ng Happy Birthday eh. Pero syempre gusto lang akong iiwas ni Riz sa mga pang-huhusga at mga pang-aasar ng mga tao. Haay. Ewan ko ba kung bakit masyadong big deal ‘tong araw na ‘to. Haha! Joke. Syempre birthday ko nga diba? Buti na lang tapos na silang mag-perform.

“Ano balik na tayo dun?” Riz finally calmed down. Kanina kasi talaga inis na inis siya eh. Ngayon naman pagkatapos naming magpagod na tumakbo mula gym papunta ditto eh babalik din pala kami agad? Haha! No way.

“Dito na lang tayo. Ang saya. Walang tao. Tayo lang.” Sabi ko habang uminom ako ng mogu mogu. Nakakapagod talaga yung ginawa namin.

“Sa bagay. Iintrigahin ka lang ng mga tao dun eh.”

Tumango lang ako.

“Nga pala, ‘to gift ko sayo.” May kinuha si Riz sa bulsa niya na box.

Haha! Kinikilig ako. Parang mag-ppropose siya na ewan eh.

“Ano yan girl? Bibigyan mo ko ng wedding ring?”

“Gaga hikaw ‘to!”

“Haha! Kala ko papakasalan mo na ko eh.”

“Yan. Happy birthday!” inabot niya sakin then we squeeze each other like sweet sisters.

“Thank you!” Ang sarap talaga maging best friend ni Riz, tapos nagbeso beso pa kami.

“Ano, san tayo?”

Haha! Nagtawanan kaming dalawa.

“Hmm. Sawa na ko sa bahay. Ano kaya kung lumabas tayo bukas? Tayo nila Matt at Abby at kung sino pang gusting sumama.”

“Sige! Masaya yan! Saan naman?”

“Hmm.”Nag-isip muna ko. “EK tayo?”

“Haha! Ano ‘toh fieldtrip? Enchanted Kingdom? Haha!”

“Gagi, gusto ko kaya dun. Tsaka hindi pa ata nakakarating si Matt dun eh.”

“Ay oo nga. Sige dun na lang. libre mo ba?”

Tumango na lang ako. “Basta tayong apat lang. Haha!”

“Yeah! Basta ba sasakay ka sa space shuttle.”

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon