Chapter 12 Marriage booth

887 15 8
                                    

Chapter 12  Marriage Booth

Eto na ang pinakahinhintaay kong araw!

First monthsary namin ngayon ni Ace kaya hindi ko hahayaang masira 'tong araw na 'to. Gagawin ko 'tong special para kay Ace.

Isusurprise ko siya.

Haha!

Pero hindi ako prepared. >,<

Wala pa akong naiisip na plano.

Meron lang akong gift. Hehe.

Kahapon kasi sinurprise niya ko through dedicating a song to me at talagang natuwa ako dun.

Ang sweet niya noh?

Pero sorry, boy friend ko na siya.

Haha!

Hihingi na lang ako ng tulong kay Matt.

Siya lang naman kasi ang close friend kong lalaki eh. Kaya tatanungin ko siya kung ano bang nakakakilig na surprise ang pwede para sa boyfriend. Tutal nagkakaintindihan naman siguro silang mga lalaki kaya malamang may pagkakaparehas din sila pagdating sa mga ganung bagay.

Pinuntahan ko na siya sa Swimming pool kanina kaso napakaraming babaeng nakapalibot at nanonood sa training niya na kulang na lang tumalon sila sa pool para makasama nila si Matt dun eh, kaya nung papasok pa lang ako sa area at natanaw kong halos may stampede na ng mga babae dun-talo pa yung dami ng nanonood sa basketball game kanina-hindi na ko Tumuloy.

Ngayon sigurong Lunch wala na masyado. At tsaka baka nagpapack-up na rin sila Matt kaya pupunta na ko dun.

LAKAD.

LAKAD.

LAKAD.

LAKAD.

Pagdating ko sa area ng Swimming pool, nanlaki agad yung mga mata ko sa nakita ko.

O.O

Mukha atang mas dumami yung mga tao. Meron na ring ibang Varsity players dun.

Haay. Badtrep! Ayokong makipag-siksikan.

Pero no choice kasi importante naman 'tong gagawin ko eh.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon