Chapter 4.2 WIMMIN

857 15 4
                                    

(continuation)

"Hay sa wakas natapos din sa anim na subject." I stretched na parang bagong gising then nag-slouch ako sa sofa.

"Yes. Papasa na ko." Si Matt kampanteng kampante.

"Syempre kami ata ni Riz nagturo sayo."

"Haha. Salamat ha---

*RINGS*

"Oh, Kaninong phone yun? May tumatawag ata." Nagtaka si Riz.

"Ay, sakin yun. Wait lang ha. Excuse me." Kay Matt pala.

Tapos nagdali-dali siyang bumaba sa hagdan.

"Ang bait ni Matt noh." Riz cracked.

Si Matt kasi nanglibre ng meryenda namin. Nag-order siya sa Yellow Cab.

"Syempre gentleman yan eh."

"Sa tingin mo may girl friend siya?" Si Riz talaga kung ano-ano naiisip.

"Uhm. Siguro."

"Ngeh. HIndi mo alam, Lei?"

"Hindi. 'Di ko naman siya tinatanong eh."

"Ay. Akala ko pa naman alam mo. Mas close kasi kayo eh."

Hehe. Hindi naman. Wala pa nga kong masyadong alam tungkol kay Matt eh.

"Nga pala, ano pinag-usapan niyo kahapon ni Matt? Nung pagkatapos nila magkainitan ni Ric?"

She smiled prankly.

"Sabi ko pag-isipan niya ng mabuti. TSaka..."

"Tsaka?"

"Umamin ako sa kanya na may crush ako kay Ric and I ask him a favor na baka naman pwede sila maging close ni Ric para sakin." Sabi niya at tumawa siya.

Natawa din ako syempre. Haha! Ang dami niya kasing alam eh. Mauuuwi yan sa set-up for sure.

"Alis na nga ako."

"Weh! Leighton naman! Ano okay ba ang aking the moves?"

"haha. Oo naman. Thumbs up ako dyan. Pero naiihi na ko eh. pa-CR muna ha."

She pouted. "Kfine."

I winked at her and then bumaba na ko.

Pagbaba ko, sa may malapit sa CR, naririnig ko si Matt habang may kausap sa phone.

Lumapit ako ng konti kung saan ko siya naririnig. Nasa labas pala siya kaya dumungaw ako sa may bintana. Nakikita ko na yung likod niya and then nagulat ako sa sinabi niya.

"Yeah. I know. I've been missing you too since the day I left."

He chuckled.

At eto pa.

"I love you, too, baby...as always."

O_O??

 Kanino kaya nag- I love you si Matt?

Hindi kaya may girl friend nga siya?

*screen door opening*

Papasok na dito sa loob ng bahay si Matt kaya dali dali akong tumakbo sa loob ng banyo. Napalakas pa ang pagsara ko sa pinto pero sana hindi niya napansin yun.

May girlfriend nga ata siya.

Pero...ano bang pakialam ko?

Bakit ko ba iniisip yun?

So what kung may girlfriend nga siya?

Ah basta.

Erase Erase Erase!

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon