Chapter 13.1 Allergic reaction

745 13 2
                                    

Chapter 13.1 Allergic reaction

October na at nakadalawang monthsary na rin kami ni Ace. Pero may mga panahon pa rin na parang nahihiya ako pag kasama ko siya. Hindi sa ikinakahiya ko siya pag kasama ko siya ah. Ang gwapo niya kaya. At ang puti pa. I mean, nahihiya pa rin ako sa kanya minsan. Pati nga simpleng holding hands kinakabahan pa ko eh. Minsan tuloy akala niya ayaw ko siyang kahawak kamay.Tulad ngayon. Bigla na lang siyang nanahimik nung bumitaw ako.

Pero syempre, hindi ko hahayaang manahimik na lang 'to hanggang sa makapasok kami. Kaya kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ko ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya na parang naiirita. Pero kung talagang naiirita na siya, bibitaw siya.

Kaso hindi eh. Haha! Gusto niya rin.

"Ano pa...edi HHWW." Sagot ko na nakangiti.

"Kanina ayaw pa eh. Gusto rin naman." Asar niya, tapos inalis niya yung kamay niya para guluhin yung buhok ko.

"Uy. Yung buhok ko."

"Sus. Ang arte talaga ng Leighton ko." Sabi niya and then he kissed me on my cheeks ng nakaakbay.

Medyo nabigla ako dun and I felt butterflies in my stomach kaya 'eto na lang nasabi ko, "Eh kung kumain na lang kaya tayo."

Tawa siya eh. "Haha. Lagi naman eh. Ano, street foods?"

Wow. Yummy. Naglaway agad ako dun ah. Haha! Kahit kakabreakfast ko lang.

"Sige!"

"Anong gusto mo?"

Syempre yung favorite ko agad yung unang nag-flash sa utak ko. Ay hindi, sa tyan ko pala. Haha!

"Calamares."

"Okay. Tara dali!" Hinila niya na ko sa kamay tapos pumunta kami kung saan may kainan ng street foods ng ganito kaaga.

Papasok pa lang kasi kami taz street foods na agad. Haha! Wish ko lang alam niya kung saan kami pupunta. Pero okay lang yan. May tiwala naman ako kay Ace tsaka 8a.m. pa naman class namin eh.

Makalipas ang ilang minuto, meron na kaming tig-isang cup ng calamares ni Ace. Meron naman palang maagang nagbubukas dito malapit sa school namin eh. Buti na lang. Kasi talagang naglalaway na ko dito eh. Haha! Natatakam na ko. Kaya sisimulan ko na.

"Hmm. Ang sarap." Sabi ko sa pang-apat subo ko. Pero si Ace hindi pa nagsisimula. Kaya nagtaka ako.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Wala lang. Bakit nga ba t'wing kumakain tayo ng street foods yan lagi ang gusto mo?"

"Kasi masarap." Oo nga masarap. Pero may allergy ako sa pusit. Madalas inaatake ako pag adobong pusit pero pag calamares bihira lang.

"Ngeh. Lahat ba ng masarap favorite mo?"

"Oo. Pati si Ace. Kasi masarap siyang magmahal."

Nanlaki yung mga mata niya dun kaya natawa ko.

"Haha! Hitsura."

"Ganon ha." Kumuha siya ng isang piraso sa calamares cup ko taz sinubo niya agad.

"Uy! Akin yan eh."

"Alin? Ito?" Kumuha pa ulit siya ng isa taz sinubo niya.

"Eh! Bawas na tuloy. Umorder ka pa ng isa!"

"Bakit? Hindi pa naman ubos ah."

Pero inuubos niya na! Ugh. >,<

"Wala na. Ubos na."

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon