Chapter 25 Graduation

838 19 14
                                    

Chapter 25 (BOOK 1 ENDING)

"Sige pa konting higpit na lang."

Pilit ko ng tinataas yung zipper sa likod ng dress ni Riz at ilang minuto na namin pinagkakasya, ngayon lang tumuloy sa dulo.

"Whew." Napabuntong hininga kami parehas ni Riz. Sa wakas nagkasya rin yung white gown niya. Ang ganda pa naman sayang kung hindi magkakasya. Pero nakakahinga pa kaya siya?

"Sino ba kasi may sabing bumili ka ng kamukha ng gown ko?" Tanong ko na nang-aasar.

"Bakit hindi naman tayo magkaparehas ah. Blue green yung sayo, sakin white."

Hay. Never mind. Minsan talaga si Riz mahilig gumaya sakin. Hahaha!

Hindi ko na iintindihin yun kasi naeexcite na ko sa ball. Kaya kinabit ko na lahat ng acessories ko at minadali na si Riz. Tapos na kasi kaming mag-make up at lahat lahat. Yung dress niya lang talaga ang pahirap sa buhay. Tinetext na nga ko ni Jus eh. Nakapila na daw lahat.

"Girl tara na!" I garb her arm as soon as she finished with everything and we stormed to the gym.

Pagdating namin nakaayos na lahat. Bongga yung lights and sound system nakakabingi. Walang nag-pepenetrate na sound ng tao sa tenga ko. Pag-akyat namin sa gym lobby, binitawan ko na si Riz para itaas yung gown ko kasi kanina ko pa naaapakan 'to eh. naka-five inches pa ko. Konti na lang mapapatid na ko---

"Ow,"

"Lei!"

Sh*t. Napatid na nga. Buti na lang may humawak sa kamay ko bago ako bumagsak. Pagtingin ko sa kanan ko si Riz nakahawak sa braso ko, sa kaliwa naman, nagulat ako nung makita yung lalaking ang tagal ko ng hindi kinakausap o pinapansin man lang.

The awkward feeling swept through me, making me let go of his touch in an instant.

"Uh...Salamat." Yun na lang nasabi ko pero ramdam ko yung cheeks ko na nag-iinit at hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya mula ulo hanggang paa.

Ang gwapo niya. Bagay pala sa kanya ang naka-suit.

"No problem. Ingat na lang sa susunod." Ace threw me a smile before jogging the opposite way and before I could even speak.

Wala na siya. Magsasalita pa man din sana ako.

Parang ang dali lang para sa kanya na kausapin uli ako o ng mag-alala ng ganun. Parang walang nangyari.

Sa bagay, ganun naman talaga yung Ace na nakilala ko. Laging kalmado at hindi nagtatanim ng sama ng loob.

Hindi tulad ko.

Laging bitter.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon