Chapter 23 Way back into love

638 10 1
                                    

Chapter 23 Way back into love

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung nag-break kami ni Ace. Binalik ko na sa kanya lahat ng binigyan niya sakin. Mga stuff toys, yung vintage piano necklace na binigay niya sakin, yung costume ni Marie Antoniette at iba pa. Kahit na ganun, Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit sakin for a second chance. Pero pagdating naman sa school nag-iiwasan lang kami. Mag-uusap lang kami about important matters like for example kapag magka-group kami or club and organizations' meeting. Yun lang. Isama na rin yung pagnagkakasalubungan kami, may konting irapan. Hindi daw siya bitter. Ako lang siguro yun. Nahihiya lang daw kasi siya sakin dahil sa mga pinagagagawa niya. At nasaktan din siya pero naisip niya na mas masakit yung ginawa niya sakin. Kaya sinunod ko na rin yung advise ni Mommy. Para hindi na ko masaktan...

Ayan tuloy, February na at magcecelebrate ako ng Valentines na SINGLE. Buti pa si Riz sila na ni Ric. Pero marami naman akong karamay diyan eh, diba? ;) Tulad ni Matt at Abby.

Balik na rin ako sa dating career ko bilang Ultimate Pianist ng Glee Club. Sounds yabang noh, pero naghahanda na kasi kami para sa program next week on February 14. TAMS Day. Teacher's and staff's day so magpeperform at mag-oorganize ang mga estudaynte ng program para sa kanila. Pinaghahandaan 'to taon-taon at ako ang napiling pianist ng banda. Tsaka ito naman talaga ang totoong buhay ko eh. Music is my fashion. Joke. Haha. Sana nga this college makapasa ako dun sa music school na gusto ko eh. Well never mind. I'm getting off topic again.

May isang banda lang kasi para sa buong program. Kukunin namin lahat ng piece nila, mapa-dance or singing then tutugtugin namin in live band.

Nahihirapan ako sa practice kasi puro pop songs eh. Kadalasan kasi ang mga tinutugtog ko classics, mellow and love songs lang. Kahit anong slow. Pwede pa yung Way Back into love ng student council. Alam ko si Ace yung isang performer eh. Di ko lang alam kung sino yung isa. 'Wag lang yung halos rock na. Ang sakit kaya sa wrist nun. Lalo na yung kakantahin nila Riz at Matt. Intro pa lang ang hirap na grabe.

Sumisikat na talaga yung team up ng dalawang yun eh. Haha. In demand sila masyado. Makaka-dalawang performance sila kasi si Riz niyaya niya si Matt sa theater at gustong-gusto naman ng club na yun kaya kinuha nila si Matt. Magaling din naman umacting si Matt eh. Nag-ttheater daw yan sa stage. At lately pala nakita ko yung youtube account niya. Grabe sa tagal na naming magkakilala ngayon ko lang nakita yun. Haha. Pero na-amazed ako kasi ang dami niya palang cover dun at halos lahat aabot na sa 1 million hits. May ibang milyon na at ang dami niyang fans. Pero sabi niya hindi na daw niya yun inuupdate simula nung dumating siya dito sa pinas. Alam pala yun ni Riz kaya  gustong gusto niyang mag-cover sila dati.

Syet. Baka maging youtube sensation 'tong kaibigan namin. Hahaha!

"Nice one Leighton." Justin, our bassist, gave me a high five pagkatapos kong tugtugin uli yung intro ng Just a dream. Yun yung kakantahin nila Riz.

"Thanks. Ang tagal ko na 'tong pinapractice pero ngayon ko lang na-perfect. Hehe." I said shyly.

"Ang galing mo nga eh. Oh pano, kita-kita na lang uli tayo bukas after class."

"Sure."

Tapos nag pack-up na kami ng gamit. Intruments naman ng school yung ginagamit namin eh. Pero si Jus yung guitara niya talaga yung dinadala niya. Hindi daw kasi siya sanay pag-guitara ng iba. Haha. Ganyan din ako dati eh. Kung hindi lang ako tumutugtog dito sa school twing may mass hindi ako masasanay.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon