Chapter 10 E.K.

826 18 4
                                    

Chapter 10 E.K.

"Hoy Matt! Bakit mo ko niregaluhan ng piggy pajamas and slippers?"

Bungad ko kay Matt habang umaakyat sa kotse niya.

"Haha! Ayaw mo? Sige kay Riz ko na lang ibibigay. Give it back to me."

At may gana pa siyang tumawa.

"Ayoko nga. Gift mo yun sakin eh. Tinatanong ko lang naman kung bakit eh. Hehe. Bakit nga ba?"

"Wala kasi akong maisip eh. Tapos naalala ko si Lyka na inaasar kang...uhm...alam mo na. Haha! Kaya nung nasa mall ako naghanap ako ng ganun."

I pouted, kunyari galit. Haha! Pero I shifted into a smile.

"Sige na nga. Thanks ha! Tara sunduin na natin sila Riz."

"Ok. Lezz go."

Sinundo na namin sina Riz at Abby tapos nagbyahe na kami papuntang Santa Rosa, Laguna. Kung saan matatagpuan ang Enchanted Kingdom!

Haha! Para kaming mga batang nag-ffieldtrip.

Pero feeling ko susuka na ko sa pagpapatakbo ni Matt.

>,<

Ang bilis niya kasi eh. Tapos biglang hihinto.

"Abby, ikaw muna dito sa harapan." Tinawag ko si Abby habang nakahinto kami sa gasolinahan. May binili kasi si Riz sa treats at nag-CR si Matt.

"Bakit?"

"Alam mo namang byahilo ako eh, diba?"

"Oo. Bakit nahihilo ka ba diyan?"

"Hindi ba halata? Ang bilis kaya mag-drive ni Matt tapos biglang mag-bbreak."

Napabuntong hininga lang siya tapos bumaba na siya, hawak hawak yung Doritos niya.

"Thank You!!!!" *puppy eyes*

"Kawawa ka naman eh."

"I know right."

"Haha! Musta na nga pala kayo ni Ace?"

"Huh? Bakit mo naman natanong yan?" I denied. Kasi nga wala pa akong balak sabihn sa kanila. Nakakahiya kaya. Kay Matt ko pa nga lang nasabi eh.

She looks at me with that judgemental big eyes she has.

"Hindi mo ko maloloko Leighton. Kilala mo ko. Di ba?"

"Oo naman. Haha! Bakit? Niloloko ba kita?" Sinubukan kong mag-deny ng todo todo. Pero parang hindi effective eh.

"Huh. Pustahan tayo?"

Tumawa na lang ako. "Ililibre na nga kita ng ticket ano pang maipupusta ko?"

"Ah basta. Wag ka na kasing mag-deny. Sinabi na nga ni Matt---

Bigalng nanlaki ang mga mata ko sa kanya tapos she chuckled, covering her mouth. "Ano?! A-Anong sinabi ni Matt sayo?"

 Umiling lang siya. But I pressed. "Uy Abby! Ano nga?"

"Haha! That means meron ka ngang tinatago samin ni Riz."

"Ok. Fine! Sasabihin ko naman eh. Sabihin mo muna kung anong sinabi sayo ni Matt."

"Ayoko."

"Abby!"

She shakes her head.

"Bakit ayaw mong sabihin?"

"Ayoko nga!" Sigaw niya, pero natatawa naman siya.

Hay naku. ano bang problema ng mga kaibigan ko ngayon? Sila ba ang may problema, o ako?

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon