Chapter 11.2 Sports fest

777 11 1
                                    

Chapter 11.2 Sports fest

Pagdating ko sa gym, hinanap ko agad si Riz. At nagulat ako kung saan ko siya nakita.

Sa bleachers ng team ni Ric!

At naka-team shirt pa siya!

Magka-team pala sila??

NO WAY!!!

Napatingin agad siya sakin na parang naramdaman niyang tinitignan ko siya.

“Leighton!” She waved her balloons to me na ngiting-ngiti. Naka-yellow shirt siya. Yun kasi yung color coding ng team nila. Ako naman naka-blue.

Pinuntahan ko na siya.

“Tara magsisimula na yung game! Sinave kita ng seat dito.” Umurong siya sa empty seat sa gilid niya at pinaupo niya ko sa tabi niya.

“Teka. Pwede ba ko dito? Team niyo lang ata pwede dito eh.”

“Pwede yan! Mas makikita kasi natin dito si Ric eh.”

“Hello. Hindi ako fan, girl.”

“Maging fan ka naman niya kahit ngayon lang. Please!”

“Ok. Pero baka hindi ako magtagal. Hahanapin ko pa kasi si Matt eh.”

Sumimangot siya. “Lagi na lang si Matt. Baka si Ace gusto mong hanapin. Mamaya nakidnap na pala yung boyfriend mo tapos nasa marriage booth na siya kasama ng ibang babae.”

“Ssshhh! Wag ka ngang maingay! Tsaka, anong marriage booth pinagsasabi mo?”

“Hindi mo ba alam yung booth ng Knights of the Altar? Rumoronda sila tapos pag may nakita silang girl and boy na magkausap ng malapitan, ipoposas nila ito sa isa’t-isa at ilolock nila sa marriage booth in 15 minutes.”

“Weh?! May booth na ganun?! Oh my God…”

Nagtaka siya kung bakit bigla akong napaisip. “Oh ano naman iniisip mo diyan?”

“Feeling ko alam ko na kung nasan si Matt. Hinahanap kasi siya ni Ric sakin kanina kaya hinahanap ko rin siya dahil hindi namin alam parehas kung nasan siya.”

“So, feeling mo nasa marriage booth siya?”

Tumango ako. Kasi si Ace hindi naman girl magnet yun eh. Iba yung popularity niya. Hindi sa girls. Pero si Matt malamang na-trap na yun.

“Hayaan mo na girl! Kung nandun man siya for sure Masaya siya dun kahit paulit-ulit pa siyang makulong dun. Sabi kaya nila pwede niyo daw gawin kahit anong gusto niyong gawin dun.”

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon