Chapter 14 Confrontations

784 17 6
                                    

Chapter 14 Confrontations

Nahihiya akong pumasok sa School ngayon. Kasi nahihiya ako kay Matt. Madami kasi akong gustong itanong sa kanya pero naisip ko na baka hindi niya na ko kausapin dahil nga sa nangyari. Syempre pag-uusapan nila ni Candice yun. O baka kinompronta na siya ni Candice kagabi. Ako rin naman eh. Gusto ko siyang kumprontahin pero hindi ako galit. Gusto ko lang talaga linawin ang lahat. Lalo na yung tungkol kay Kiel. Ang gulo kasi talaga. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko yun nalaman ng mas maaga. Kung nalaman ko sana yung ng mas maaga, nakaiwas na ko agad kay Matt, hindi na kami naging close at hindi na magseselos si Candice na ikakaproblema pa nilang dalawa at makakagulo pa sa relasyon nila.

Kung pwede lang talagang ibalik ang nakaraan. Gagawin ko lahat para hindi humantong sa ganito. Ayoko kasi talaga na nakakasira ng relasyon eh. Naguguilty ako. Tama si Candice. Dahil talaga sakin 'to. Kung hindi humingi ng favor si Kiel kay Matt edi sana hindi na nagkaganito.

Bago ako pumasok sa classroom, pinangako ko muna sa sarili ko na hindi ako magpapadala sa emosyon ko. Kahit gaano pa nakakabadtrip yung mga pinagsasabi sakin ni Candice, mahinahon ko paring kakausapin si Matt. Kasi in the first place, hindi naman siya ang nagsabi sakin ng mga masasakit na salitang yun eh. Kundi yung girlfriend niya. Tsaka ano bang malay ng girlfriend niya si mga nangyayari? Magkaibigan lang naman kami ni Matt eh. May boyfriend ako at siya merong girlfriend. Ang problema nga lang, hindi marunong magtiwala yung girlfriend niya.

Nakangiti akong pumasok sa classroom para hindi naman mahalata na BV ako. Pero ang mga dinatnan ko sa loob ay mas BV pa ata kesa sakin.

Hay. Bad Vibes nga naman.

At ang masama pa doon, lahat sila ay nakatingin sakin.

Bakit kaya? Anong meron? Dumeretso na lang ako sa upuan ko.

Hinanap ko agad si Matt sa klase pero wala siya. Si Riz naman nasa isang tabi lang at nakasimangot din. Si Ace wala din. Tapos yung ibang mga girls sabay sabay ng nagsalita.

"Leighton! Nasan si Matt?"

"Dapat natin kausapin yang kaibigan mo."

Huh? Bakit?

Alam ba nila kung anong yung ginawa ni Candice sakin?

I played safe at nag-maangmaangan muna ko.

"Bakit? Anong meron?"

"Hindi mo pa ba alam?" Si Katrina mukhang galit na galit.

"Ang alin?"

"Yung girlfriend ni Matt minessage sa FB lahat ng girls dito, nilait lait, at pinagbibintangan pa ko na nilalandi ko daw si Matt."

OMG. Pati si Katrina? And all the girls in here?

Nag-react yung mga boys at lalo tuloy umingay dito.

"Hindi ka ba nakatanggap Leighton?" Tanong ni Dayan, yung Vice President ng classroom namin. Tsk. Naloko na. Matapang 'tong babaeng 'to. Tsaka parang lahat sila galit kay Matt.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon