Chapter 13.2 Allergic Reaction

740 11 3
                                    

Chapter 13.2 Allergic Reaction

Note: Candice Washington's (Taylor Momsen) picture is at the right side -------->>>>

Leighton's POV

"Ma'am ang aga mo ata ng uwi mo ngayon." Si ate Rose yung nagbukas ng gate namin pagdating ko ng mga before Lunch.

"Medyo sumama po kasi yung pakiramdam ko eh kaya umuwi na ko."

"Ganun ba. Tamang tama nagluto ako ng masarap. Halika kumain ka na." Inakbayan niya ko tapos sabay na kaming pumasok sa back door para diretso na sa kusina.

Nakakatuwa talag mag-alaga si ate Rose. Simula bata ako siya na ang yaya namin, nadadagdagan lang kasi ayaw ni Mommy na mahirapan siya sa lahat ng trabaho dito sa bahay. Loyal kasi samin si ate Rose kaya parang pamilya na rin ang turing namin sa kanya.

"Wow. ang sarap naman." Umupo na agad ako sa table at nilapag ko yung gamit ko sa katabing upuan habang ihinahain ni ate Rose yung pagkain.

Tinolang manok na may atay. Haha!

Favorite ko 'to noh. Kaya wala akong paki kung ayaw 'to ng iba. (a/n: VOTE kung favorite niyo rin ang tinola!:) Haha!

"Syempre naramdaman kong uuwi ka kaya yan ang niluto ko."

"Thank you! Tara kain na tayo."

"Sige mauna ka na. Tatawagin ko pa si Carding at Cecille."

"Haha! Si ate Cecille at manong Ding na ata eh."

Si kuya Carding nga pala yung bagong driver at si Ate cecille yung isa pa naming kasambahay. Lovers in the Household namin sila. Haha!

"Asus. Bakit ikaw sino yung laging nagsusundo sayo dito? Haha. Boyfriend mo yun noh."

"Oy ate hindi ah."

Echoserang yaya 'toh. Haha!

"Sus...sabihin mo na. Hindi ko naman sasabihin sa Mommy mo eh."

"Kay Daddy lang?"

"Oo."

"Haha! Ate Rose naman eh lagi mo kong inaasar. Sige na tawagin mo na sila para makakain na tayo."

At tumayo na siya. Medyo chubby siya kaya nahirapan pa siya sa pagtayo. Haha! "Ok. sabi mo yan ah. Sabagay hindi ko naman alam kung sino yun kasi dalawang lalaki yung nadadalas dito eh. Yung isa matangkad na Inglesero tapos yung isa naman yung maliit na palangiti. Sino ba dun ha?"

Sumubo ako para makaiwas sa tanong niya, sabay react ng, "Hmm! Ang galing mo talaga magluto ate Rose!"

"Oo naman. The best ata 'tong yaya mo. Sige kumain ka lang diyan." At umalis na siya.

Haha! Tumatanda na kasi si Ate Rose kaya madaling utuin. Pero mahal ko yan. Pag may sinabi ako sa kanyang secret hindi talaga makakarating kina Mommy. Sana lahat ng Yaya ganyan...

Pagkatapos namin kong kumain, umakyat na ko sa kwarto ko para naman magkaroon sila ng privacy at ganun na rin sakin.

Pumasok agad ako sa shower room ko at tinignan ko yung leeg ko kung oky na ba.

Medyo nawala na yung mga pantal pero namumula pa rin. Well atleast nakatulong yung gamot na ininom ko. Meron din naman kaming stock nun dito sa bahay kaya iinom uli ako mamaya. Magshoshower na muna ko tapos maglilibang hangga't sa makatulog ako. Wala naman sigurong gagawin sa school ngayon kasi kakatapos lang ng exam eh...

*Shower*

*Shower*

Ang sarap! Fresh na ulit ako. Na-haggard kasi ako sa allergy ko kanina eh. Buti na lang talaga andyan si Matt. Natatakot kasi talaga akong aminin na hindi na maganda yung pakiramdam ko. Siguro kung hindi niya talaga ko pinilit naghihingalo na ko ngayon.

Sing me a LOVE SONG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon