STAY IV

1.7K 52 1
                                    

RACHEL DAQUIS

"Daddy."bumitaw ako sa pagyayakap kay Chris saka tumakbo sa kanya.

"Rachel. In my office."kalmado pero punong puno ng awtoridad niyang sinabi saka siya umalis.

"Chel."

"Nalaman na ata ni Daddy."Hinawakan naman niya yung kamay ko nang mahigpit.

"Sasamahan kita."

*********

"totoo ba yung narinig ko?"Nakagat ko ang labi ko. Kitang kita ko yung pagkunot ng noo niya. Dahan dahan akong tumango.

Napapikit na lang ako ng magliparan yung mga papeles sa mesa niya sa lakas ng pagdadabog niya.

"Daddy."

"You disappoint me Rachel. Hindi mo na iginalang ang pangalan ko."Napapikit naman ako habang pinipigilan ko ang mga luha sa mata ko. Ang ayaw kasi ni Daddy na mangyari sa akin ay mabuntis ako nang hindi pa kasal.Hindi naman sa iniisip niya ang pangalan niya pero para may panghahawakan daw ako sa batas. Para daw din ito sa kapakanan ko at ng aking anak. He tried his best na ikulong ako Malayo sa mundo just to protect me and yet, nangyari ang kinakatakutan niya.

"Sinong Ama niyan?"

"Tito, Ako po."si Chris. Pasimple niyang hinawakan ang kamay ko. Napailing naman siya habang nakasapo sa noo ang kamay.

"Huwag mo akong binibilog, Tiu! Imposibleng may mangyari sa inyo ng anak ko!" Magrereklamo pa sana siya nang...

"Just shut the fck up! Kung ayaw mong palabasin kita ng kwartong ito!" kahit ako ay nanginig sa galit na mahihinuha sa boses niya. Para siyang Lion na umaatungal.

"Chris. Hayaan mo na ako." Nalukot naman yung mukha niya.

"Please. Problema namin ito ni Daddy."bumuntong hininga muna siya saka tumango.

"I'm sorry Tito."saka siya naupo sa couch.

"Now tell me Rachel Anne! Sino ang ama niyan!?"Pinilit niyang maging kalmado pero nandoon pa rin ang awtoridad sa tanong niya.

"Wag mong sasabihing hindi mo alam. I swear. Ipapahagilap ko siya sa kahit anung paraan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

"Si Go-Gonzaga po." Nakatungo kong bulong.

Muli ay napapikit ako sa pagdabog niya.

"Yung Sundalo na nagbabantay sayo?!" Napatango ako.

"Nasaan siya?! Hindi ba dapat sinasabi niyo sa akin ito nang maaga!"

"Nasa Maynila po."

"Alam ba niya?" Napatango ako.

"Then where the hell is he?! He supposed to be here!"

"Dad." Pagpapakalma ko sa kanya.

"What?! Dapat pakasalan ka niya!"Nangilid naman ang luha sa mata ko.

"Dad. Hi-ndi niya ako pa-papanagutan. Hindi niya ako pa-pakasalan. He will just support me and our baby."

"What?! Anung kagaguhan yan?!"

"Dad, saan ka pupunta?"kinakabahan kong tanong.

"Tss. Sa magaling na ama ng anak mo. Ang lakas ng loob niya na buntisin ka tapos hindi ka niya papanagutan! Makikita niya ang hinahanap niya."tiim bagang na sagot nito.

"Dad, huwag! Please."Bago pa ako makalapit sa kanya. Hinawakan na ako ng mga gwardiya niya.

"Huwag na huwag niyong patatakasin ang Anak ko.'saka siya bumalung kay Chris. " Tiu. Malaman ko lang na tutulungan mo siya. Mananagot ka sa akin."Maawtoridad na pagbabanta niya saka umalis na.

STAY WITH ME (GONZAQUIS) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon