STAY VI

2.5K 57 13
                                    

RACHEL DAQUIS

Two months after...

Hawak hawak ko lang yung paborito kong agahan-- Mangga saka Strawberry. Nilalantakan ko lang ito habang prenteng prente akong nakaupo sa Veranda.
Bagong Bahay namin ito na nasa Antipolo. Nakaharap ito sa mapunong parte kaya masarap tumambay dito. Isa 'to sa regalo ni Daddy para sa aming ikasal. Hinahaplos haplos ko lang yung tiyan ko na mahahalata na yung umbok.


"Good Morning Baby." Hindi na talaga ako makapaghintay na lumabas siya kaso limang buwan pa ang hihintayin. Nagpapaaraw ako't lumalanghap ng hangin dito sa Veranda namin dahil sinabi ni Dok. Makakatulong daw yun para sa amin ni Baby.


"Vladimir. "Napansin kong nakatayo siya sa tabi ko. Nakahalf naked 'to dahilan para mapahagikhik ako dahil mas mukhang magandang view 'to!


"Anu?"Casual lang na tanong niya.


"Gising ka na pala?"Tumango naman siya. Vladimir is too quite na parang nakain nito yung dila niya. Sa loob ng dalawang buwan. Civil lang kami sa isa't isa. Lagi siyang umaalis ng bahay. Kung tatanungin ko naman. galing lang daw sa mga kaibigan niya. Pinapaniwalaan ko naman kasi I met them once. Tumutulong din kasi siya sa problema ni Vic Galang.

Kapag nasa bahay naman, tahimik lang siya. Nakaupo o di kaya nagbabasa. May katulong kami kaya hindi namin problema ang gawain bahay. Hindi niya ako masyadong kinakausap pero kapag may hihilingin ako. Gagawin naman niya.



"Sorry." Alam ko kasing puyat siya. Alas dos kasi ng umaga ay nagpahanap ako ng Fries sa kanya.



"Ayos lang yun para naman kay Baby."



"Gusto mo?"Alok ko. Umiling siya tapos tinitigan ako dahilan para mailing ako.



"Ubusin mo yan para sa baby. Kapag kulang pa sabihan mo lang ako at bibilhan kita. " Napatango na lang ako. Sa dalawang buwan. Hindi ko siya nakitang ngumiti man lang. Ewan kapag titignan mo naman ang mga mata niya. Malamlam lang at walang emosyon. Sayang, mas gwapo pa naman siya kapag naka-smile.



"Hindi ka ba pupunta kanila Vic?"



"Hayaan mo siya. Matuto siya sa ginawa niya." Napatango na lang ako dahil wala akong karapatang mangialam sa bagay na yan.



"Salamat." Para naman akong nabingi sa narinig ko. Nagpapasalamat ba siya?!



"Bakit?" Taka kong tanong.



"Sa tulong mo nung nakaraang araw. Paghatid mo sa kanya. " Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti. Buti nga iyon may nakakasalamuha akong bagong kaibigan. Sa pananatili ko dito mga katulong lang ang kasama ko kapag wala siya. Hindi naman ako pwedeng lumabas kasi wala ring tao sa paligid.



"Magbihis ka na. "Naalala ko naman na ngayon pala nakaSchedule yung Monthly check-up namin. 



"Sige, Salamat. "Nagulat na lang ako ng maagap niya akong tulungang makatayo. Nakakapit ako sa braso niya habang hawak niya yung bewang ko. Itanggi ko man. Nakikiliti ako sa kuryenteng nararamdaman ko tuwing magdidikit yung balat namin, para akong teenager na kinikilig,



Naiangat ko yung ulo ko doon ay nakita ko yung mga mata niya na nakakalunod kapag titignan mo.

"Sa. Salamat. "nauutal kong Sambit. Tumango lang siya.




"Ako na. "Umiling siya.



"Ihahatid na kita sa banyo. "



"Hindi mo ba ako sasamahan sa loob?"pilyo kong bulong. Naihilig ko ang ulo ko. Ang mahirap talaga kapag buntis. Nagwawala yung mga Malalanding Hormones mo!


STAY WITH ME (GONZAQUIS) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon