RACHEL
" Thank you for everything Chris .." saka ko siya niyakap .. Marami siyang bagay na itinulong sa akin .. Sa mga anak ko .. He's an eye opener .. A good advicer .. Siya ang sinandalan ko .. Siya ang kinapitan ko ng mga oras na down na down ako .. Siya rin ang tao na nagsasabi sa akin kung anung tama .. Kung anu ang nararapat kong gawin ..
Now .. He decided na lumagay na sa tahimik .. Sino ako para tutulan siya .. After all what he did to us .. He deserve to be happy ..
" Walang problema Chel ... Para saan pa't naging magbestfriend tayo .."
" Mommy .. What's happening? " Si Volt ..
" Uhm .. Your Daddy Chris will bid a goodbye for us .." Napanguso naman siya ..
" Why? Saan siya pupunta? " Si Raven ang nagtanong ..
" Daddy will fix his business in the Philippines .." Parehas naman silang napatango ..
Napagpasyahan namin na pumunta ng park para makapagBonding sila sa huling pagkakataon .. Nagpasya na rin kasi akong bumalik sa Pilipinas .. Ayusin ang buhay namin .. Doon magsimula ng panibagong buhay ng mga anak ko .. I mean hindi ko sila kailangang itago dito sa Germany .. Mas maganda sa lupang sinilangan at pinaglakihan ko doon sila mamuhay ..
Puro hagikhikan at tawanan lang ang nakikita ko sa mga mata nila habang naglalaro .. Ganyan din kaya ang mga ngiti nila kapag nakasama na nila si Vladimir ... Yes .. I decided na balikan siya .. After all what happened to us .. Lumipas man ang limang taon .. Siguro maraming bagay ang nababago pero hindi ang pag-ibig ko sa kanya .. Kasal pa rin kami .. And sa mga sinabi niya .. Naisip ko na bakit hindi subukan .. Bakit hindi I-try .. Hindi umubra yung una pero baka sakaling ngayon .. Baka maging maayos ang lahat ..
The moment na tinawag niya ang pangalan ko .. Na sinabi niyang mahal niya ako .. Nung lumuhod siya sa harap ko at nagmakaawa .. Natunaw ang lahat ng yelo na bumabalot sa puso ko .. Nawala lahat ng harang sa puso ko ..
Kitang kita ko kasi kung gaano siya kaSincere .. Kung gaano katotoo ang mga salitang sinasabi niya ..
Nung mga oras na iyon ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit .. Hagkan sa labiat sabihin na mahal na mahal ko siya .. Pero pinigilan ko ang sarili ko .. Pinilit kong maging manhid at magBingi-Bingihan sa mga sinasabi niya .. Pinilit kong magtayo ng harang sa pagitan namin .. Siguro ay napangunahan pa rin ako ng takot at galit sa kanya ..
Mahal na mahal ko siya pero yung galit sa puso ko .. Siguro hindi madaling nawala ..
Natauhan lang siguro ako nung mga oras na nagtanong na sa akin si Raven .. Sa limang taon .. Pinili niyang manahimik at hindi hanapin ang ama niya .. Nung oras lang na nakita niya ito .. Doon nagsimulang magbuo ang katanungan sa isip niya ..
Natandaan ko pa yung huling tanong niya ..
------------
" Mommy .. Don't you love Him .. Daddy Vladimir Anymore? " Natahimik ako sa tanong niya .. Alam ng puso't isip ko na mahal ko pa rin siya .. Sadyang ayaw ko lang pakinggan at intindihin ..
" I love Daddy, Mom .. I want to be with Him again .."
" Hindi ka na ba masaya? "
BINABASA MO ANG
STAY WITH ME (GONZAQUIS) ✓
FanficGWAPA SERIES #2 Joven Odysseus Vladimir Segobre Gonzaga (J.O.V.S Gonzaga) Jovs Gonzaga an Ex-Military Army. He committed his life for the country and for the woman he loves the most-- Charleen Abigaile Cruz. Everything are perfect and fell on their...