RACHEL
" Mi..Miko .." Nauutal kong sambit sa lalaking nakabunggo ko .. Hindi ako pwedeng magkamali .. It's Miko Augustus .. But the hell! Anung ginagawa niya dito sa Germany?!
Nanlalaki naman ang mata niya na parang nakakita ng multo ..Titig na titig pa siya sa akin at halatang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita niya ..
" A..Ate Rachel?! " bulalas niya .. Hindi pa siya natinag na titigan ako bagkus ay hinawakan niya pa ako sa pisngi ..
" The Fck! Totoo ka nga at hindi ilusyon ! Damn it! " Binatukan ko naman siya .. Parang sira lang talaga to ..
" Ay hindi Miko! Ilusyon mo lang ako .. Gawa gawa lang ng utak mo !" Muli ay binatukan ko siya baka sakaling magising sa katotohanan ..
" Grabe! Masakit .. Lumipas ang limang taon .. Sadista ka pa rin at sinasaktan ako .. Wala ka ng ibang ipinaranas sa akin kundi sakit ng ulo't puso ko .." Sinuntok ko naman siya sa balikat dahil tirik na tirik ang araw ang lakas niyang makaHugot ..
" Lumipas ang limang taon .. Baliw ka pa rin Miko Augustus Reyes! " bulyaw ko sa kanya ..
Napanguso naman ito ..
" Ito naman! Humuhugot lang! "
" Baka Gusto mong magkape Ate? Treat mo.." Taas babang kilay na sambit niya .. Tinaasan ko naman siya ng kilay ..
" Ang kapal ha! Ako pa talaga! Nasaan ang pagiging Gentleman sa katawan mo Augustus?! " Nagkibit balikat naman ito ..
" Ate .. I'm Miko .. Wala sa bokabularyo ko ang Gentleman .. Isa pa .. Treat me! Ang dami mong utang sa akin .. Iniwan mo kaya ako! "
" Here we go again .. Huhugot ka na naman? "
" Hindi ah .. Hindi pala ako ang naiwan mo kung hindi siya .." Natigilan naman ako sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi ..
" Tara na .. Treat ko na! Ang dami mong daldal .." Inakbayan naman niya ako ..
" Ayun oh! Buti na lang hindi ako kumain ng breakfast .. Makakabawi ako .."
" Grabe siya! Uubusin mo ang pera ko Augustus! "
" Sus! Marami ka nun .. Hindi mauubos yan .. Tara na! Igala mo ako dito sa Germany .."
***********
" Single ka pa rin? Bakla ka ba ?! " Natatawang bulalas ko .. Sinamaan naman niya ako ng tingin ..
" Sa gwapo kong ito? "
Napatango naman ako ..
" Balita ko uso daw iyon sa Pilipinas .. Gwapo na bakla .. "
" Psh .. Hinahanap ko lang ang tamang babae .."
" Ah kaya pala lahat ng babae pinapatos mo .." Pananabla ko .. Napakamot naman siya sa batok niya ..
" Ate naman! Kilala mo talaga ako e .."
" Syempre .. Lahat ng kalokohan mo Reyes alam ko! "
![](https://img.wattpad.com/cover/63329561-288-k539123.jpg)
BINABASA MO ANG
STAY WITH ME (GONZAQUIS) ✓
Fiksi PenggemarGWAPA SERIES #2 Joven Odysseus Vladimir Segobre Gonzaga (J.O.V.S Gonzaga) Jovs Gonzaga an Ex-Military Army. He committed his life for the country and for the woman he loves the most-- Charleen Abigaile Cruz. Everything are perfect and fell on their...