STAY XIV

2.6K 59 30
                                    

RACHEL




" Mommy .." Naramdaman ko ang maliit na daliri na kumakalabit sa akin ..

Ang Anak namin .. Nakaligtas siya sa halos kamatayan na sitwasyon niya .. Inabot din kami ng isang linggo kakabantay sa kanya dahil isang linggo siyang In Coma .. Nung mga oras na yun ay awang awa na ako sa kanya .. Sa murang edad pa lang kasi ay naranasan na niya ang ganung bagay .. Buti na lang talaga Mukhang nakuha ni Raven ang Katapangan sa Daddy niya .. Heto siya ngayon sa harapan ko .. Lumalaking napakaGandang Bata ..







" yes, baby .." Napanguso naman siya ..






" Bakit nandun si Daddy? Wala siya dito sa tabi natin? " Napangiti ako sa tanong niya saka hinagkan sa pisngi ..





" Bestman siya ni Toto Vic mo .." bulong ko .. Napahagikhik naman siya saka tumango ..





Hindi maiwasang gumuhit ang mga ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang anak ko .. Dalawang taon pa lang siya pero advance na kung magsalita .. Sabi ni Dok dahil siguro sa nangyari sa kanya .. Matalino nga ang anak ko .. Mahina naman ang puso .. Premmature kasi siya .. Kaakibat nun ang pagkakaroon niya ng butas sa puso niya dahil dun ay madali siyang mapagod .. Isang atake lang sa kanya ay maari niyang ikamatay .. Hindi pa pwede magsagawa ng operasyon .. Pwede na raw kapag naReach na niya ang eight years old .. Kaya sa ngayon muna ay nag-iingat kami .. Muntik ng mawala sa amin si Raven .. Hindi na namin hahayaan na mangyari pa ulit yun ..







" Mommy? Bakit hindi ako kasali diyan .." turo niya sa mga nagEntourage ..









" Baka mapagod ka Baby .. " bulong ko saka hinaplos yung likod niya ..







" Mommy .." Napailing na lang ako .. Sobrang kulit at daldal niya talaga ..








" Bakit baby? "










" Ang ganda ni Tata Shiela .. " Napatango naman ako nasa dulo pa kasi siya ng pintuan ng simbahan at halatang gulat sa mga nangyayari .. Surprise Wedding yun ang nagaganap ngayon .. Parehas silang walang alam ni Vic ..








" Mana ka nga daw sa kanya diba .." Matamis na ngiti naman yung ibinigay niya ..






" Opo .. Pero mas Mana ako sa iyo, Mommy! " Humagikhik siya kaya niyakap ko siya ..






" I love you Baby .."






" I love you too Mommy .."









Nagpatuloy lang yung ceremony .. Hindi ko maiwasang mapaiyak .. Pagkatapos ng lahat lahat ng nangyari sa kanila .. Masyadong Masalimuot na love story nila Heto .. Sa simbahan din ang tuloy nila .. Kami ni Gonzaga? Heto .. Natuloy nga sa simbahan wala namang pinatutunguhan ang buhay namin ..










" Daddy .." Nagulat naman ako na naandito na pala sa tabi namin si Vladimir ..

Kung tatanungin niyo kung kamusta kami .. Well .. Civil pa rin sa isa't isa .. Wala pa ring nagbago sa pakikitungo niya .. Nabawasan lang ang pagiging mainitin ng ulo .. Dahil na rin kay Raven .. Malay ko ba sa Mokong na ito .. Dalawang taon na ang lumipas pero Mahal ko pa rin siya .. Hindi ko lang sinasabi .. Para anu? Tss .. Lalaki lang ang ulo niyan ..






Hagikhik naman ng hagikhik si Raven sa tabi ko .. Nakikipagbiruan siguro ang Mokong ..







" Ate Rachel .." Si Miko pala ..









STAY WITH ME (GONZAQUIS) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon