1- TWBA

20.6K 275 39
                                        

Third Person's POV

"Good evening, Kathryn and Daniel." Bati ng King of Talk - Boy Abunda sa dalawa na nasa studio ngayon.

Naimbitihan muli sila sa programang Tonight With Boy Abunda na ine-ere tuwing gabi sa ABS CBN.

"Good evening po, tito Boy. Good evening po sainyong lahat!" Bati ni Kathryn at tsaka nag bigay ng beso sa host ng programa.

"Magandang gabi po, tito Boy. At sa inyo dyan, salamat po sa pag punta." Kinawayan ni Daniel ang mga fans nila pag tapos niyang yakapin si Tito Boy.

"Bago tayo mag simula, gusto ko 'tong sabihin," Paninimula niya nang maka upo ang dalawa sa nakatakdang upuan para sakanila. "... Walang halong biro, walang halong showbiz. Kathryn is so blooming. Lalo pa siyang gumaganda, hindi kumukupas ang kagandahan. And si Daniel, napaka aliwalas ng mukha niya. Makikita mo na maayos siya at masaya. Kitang kita sa mga mata nila na they're happy and so inlove. Eyes don't lie." Nakangiting sabi ni Tito Boy na naka ngiti pa sa dalawa.

Napangiti si Kathryn at si Daniel dahil sa narinig nila.

Kahit ang ibang tao, nakikita na rin sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya.

Kung gaano sila ka inlove.

"Thank you po, tito Boy," Sabi ni Daniel habang si Kathryn naka tago lang sa likod ni Daniel. "... ganyan po yan, sanay naman na kayo diba? Hindi pa rin siya sanay na pinupuri siya in public. Pero pag ako, okay lang. Kaya lagi ko siyang sinasabihan na maganda siya, para masanay. Kaso hindi pa rin." Daniel looked at Kathryn na naka ngiti lang sa likod niya.

Ilang taon man ang lumipas, hindi pa rin talaga nagbabago ang ganitong side ng KathNiel. - childish in a good way, and playful. Na hindi lahat sineseryoso nila. Dahil hindi dapat lahat sinesoryoso,may mga bagay na dapat tawanan.

"Ang saya niyo pa rin tignan. Angkop ba na sabihin pa sainyo na ang cute niyo tignan?" Sabi ni Tito Boy.

"Opo, thank you po. Okay na po yun." Sabi ni Kathryn para maka iwas na siya sa mga pagpupuri sa kanilang dalawa ng asawa niya.

Hindi naman sa ayaw niya ma mapuri at mapansin ang kabutihan nila, pero ayaw niya lang talaga na binbuild up silang dalawang mag asawa sa maraming tao katulad ng mga ganitong show dahil hindi pare-pareho ang takbo ng nga isip ng ng taong nakakapanood nito.

"Kath is getting awkard na, so simulan natin with the main issue." Sabi ni Tito Boy at agad namang lumabas ang mga litrato ng dalawa at mga litrato na kasama ang mga anak nila noong sila ay nag bakasyon sa Santorini.

"How's your trip on Santorini?" Tanong agad ng host ng programa.

"Super okay po, tito Boy. Super saya, ang sarap sa feeling na nakakapag relax ka. And free ka gumalaw, nakakagalaw ka po ng maayos, ganun. Na hindi po namin usually nagagawa dito kasi nga po maraming nakakakilala saamin. Tapos konting galaw lang, camera agad, kalat agad sa internet. Then judged na ulit kami ni DJ agad agad. Kaya tuwing may trips po kami, sinusulit po namin kasi hindi naman po pwedeng doon na kami tumira," Sagot ni Kathryn. ".... pero gusto ko. Diba, bal?" Dagdag niya pa habang naka tingin sa asawang nakikinig lang sa sinasabi niya.

Kathryn is thinking of taking a break from showbiz, to rest. And gusto niya na sa Santorini sila mag pahinga. Napaka ganda ng Santorini para sa kanya, napaka sarap sa mata, sa pakiramdam, parang napaka perfect ng lahat.

"Parang nag paparinig si Kath, Daniel. Pwede daw bang tumira sa Santorini?" Naka tingin lang si tito Boy kay Daniel na naka ngiti lang dahil sa sinasabi nila.


The Ford FamiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon